MANILA, Philippines — Nangunguna ang anim na anak ni Henry Sy Sr. — kilalang founder ng SM Investments — na sina Teresita, Elizabeth, Henry Jr., Hans, Herbert at Harley sa listahan ng mga pinakamayayamang Pilipino sa bansa ngayong taon.
Ito ang sinabi ng Forbes Asia kasabay ng pagliit ng pinagsamang kaperahan ng 50 pinakamayayamang Pilipino sa US$72 bilyon (mula sa US$79 bilyon noong 2021) sa kabila ng 8.3% paglago ng ekonomiya sa unang kwarto ng 2022.
Related Stories
"[T]he pressures of inflation, rising commodity and energy prices as well as reduced exports to China dragged the benchmark stock index down 6% from 11 months ago when fortunes were last measured," wika ng Forbes.
"The peso also plunged 12% over the same period. As a result, the combined wealth of the country’s 50 richest dropped to $72 billion from $79 billion last year."
Narito ang listahan ng pinakamayamang mga Pilipino kasama ang kanilang net worth:
- magkakapatid na Sy ($12.6 bilyon)
- Manny Villar ($7.8 bilyon)
- Enrique Razon Jr. ($5.6 bilyon)
- Lance Gokongwei at mga kapatid ($3.1 bilyon)
- pamilya Aboitiz ($2.9 bilyon)
- Isidro Consunji at mga kapatid ($2.6 bilyon)
- Tony Tan Caktiong at pamilya ($2.6 bilyon)
- Jaime Zobel de Ayala at pamilya ($2.55 bilyon)
- Ramon Ang ($2.45 bilyon)
- Andrew Tan ($2.4 bilyon)
Kalakhan ng net worth ng magkakapatid na Sy ay binubuo ng stakes na hawak ng publicly traded SM Investments at SM Prime ng grupo.
"SM traces its roots to Henry Sr., who sold overrun shoes in 1958 at a store in Manila he aptly called Shoemart," dagdag pa ng Forbes.
"Today SM is one of Southeast Asia's largest conglomerates, with interests in department stores, supermarkets, banks, hotels, real estate and mining."
Bagama't hinahawakan ng "outside professionals" ang arawang operasyon ng kumpanya, umuupo ang magkakapatid sa boards ng grupo at ginagabayan ang kabuuang stratehiya ng SM.
Si Henry Sy Sr. ang pinakamayamang tao sa Pilipinas sa 11 magkakasunod na taon, na merong ineestimang net worth na $18.3 bilyon noong 2018 isang taon bago siya mamatay.
Si Villar naman na pumapangalawa sa listahan ay dating senador at kilala ring negosyante. Parehong senador ang kanyang asawang si Cynthia at anak na si Mark.
Sa kabila ng pangunguna ng mga Sy sa listahan, si Villar ang "highest ranking" Filipino sa listahan ng Forbes ngayong 2022 pagdating sa mga bilyonaryo sa buong mundo.