^

Bansa

SILIPIN: Mga pasok sa Philippines' Richest 2022 list ng Forbes

James Relativo - Philstar.com
SILIPIN: Mga pasok sa Philippines' Richest 2022 list ng Forbes
The Sy siblings (top row, from left) Harley, Hans, Tessie, (lower, from left) Elizabeth, Henry Jr. and Herbert
File

MANILA, Philippines — Nangunguna ang anim na anak ni Henry Sy Sr. — kilalang founder ng SM Investments — na sina Teresita, Elizabeth, Henry Jr., Hans, Herbert at Harley sa listahan ng mga pinakamayayamang Pilipino sa bansa ngayong taon.

Ito ang sinabi ng Forbes Asia kasabay ng pagliit ng pinagsamang kaperahan ng 50 pinakamayayamang Pilipino sa US$72 bilyon (mula sa US$79 bilyon noong 2021) sa kabila ng 8.3% paglago ng ekonomiya sa unang kwarto ng 2022.

"[T]he pressures of inflation, rising commodity and energy prices as well as reduced exports to China dragged the benchmark stock index down 6% from 11 months ago when fortunes were last measured," wika ng Forbes.

"The peso also plunged 12% over the same period. As a result, the combined wealth of the country’s 50 richest dropped to $72 billion from $79 billion last year."

Narito ang listahan ng pinakamayamang mga Pilipino kasama ang kanilang net worth:

  • magkakapatid na Sy ($12.6 bilyon)
  • Manny Villar ($7.8 bilyon)
  • Enrique Razon Jr. ($5.6 bilyon)
  • Lance Gokongwei at mga kapatid ($3.1 bilyon)
  • pamilya Aboitiz ($2.9 bilyon)
  • Isidro Consunji at mga kapatid ($2.6 bilyon)
  • Tony Tan Caktiong at pamilya ($2.6 bilyon)
  • Jaime Zobel de Ayala at pamilya ($2.55 bilyon)
  • Ramon Ang ($2.45 bilyon)
  • Andrew Tan ($2.4 bilyon)

Kalakhan ng net worth ng magkakapatid na Sy ay binubuo ng stakes na hawak ng publicly traded SM Investments at SM Prime ng grupo.

"SM traces its roots to Henry Sr., who sold overrun shoes in 1958 at a store in Manila he aptly called Shoemart," dagdag pa ng Forbes.

"Today SM is one of Southeast Asia's largest conglomerates, with interests in department stores, supermarkets, banks, hotels, real estate and mining."

Bagama't hinahawakan ng "outside professionals" ang arawang operasyon ng kumpanya, umuupo ang magkakapatid sa boards ng grupo at ginagabayan ang kabuuang stratehiya ng SM.

Si Henry Sy Sr. ang pinakamayamang tao sa Pilipinas sa 11 magkakasunod na taon, na merong ineestimang net worth na $18.3 bilyon noong 2018 isang taon bago siya mamatay.

Si Villar naman na pumapangalawa sa listahan ay dating senador at kilala ring negosyante. Parehong senador ang kanyang asawang si Cynthia at anak na si Mark.

Sa kabila ng pangunguna ng mga Sy sa listahan, si Villar ang "highest ranking" Filipino sa listahan ng Forbes ngayong 2022 pagdating sa mga bilyonaryo sa buong mundo.

FORBES

HENRY SY

MANNY VILLAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with