MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kilalang TV personality na si Arnaldo Arevalo “Arnell” Ignacio bilang pinuno ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
“We confirm the appointment of Mr. Ignacio as Executive Director Admin. V of the Overseas Workers Welfare Administration,” ani Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Hindi pa naglalabas ang Malacañang ng kopya ng appointment paper ni Ignacio.
Matatandaan na itinalaga rin si Ignacio sa OWWA bilang deputy administrator sa ilalim ng administrastyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Unang napunta si Ignacio sa OWWA noong 2018 pero umalis sa kanyang posisyon noong Pebrero 2019, dahil sa “personal na dahilan.”
Noong Abril 2019, inihayag ni Ignacio na nagtapos siya ng political science degree sa Unibersidad ng Makati.
“He was reappointed in September of last year to the same post and will now occupy the position of Administrator, vice Hans Cacdac who will be serving as Usec (Undersecretary) of DMW (Department of Migrant Workers) on Welfare and Foreign Employment,” ani Cruz-Angeles.