^

Bansa

Pope Francis nagpaabot ng pakikiramay ngayong libing ni ex-president Ramos

Philstar.com
Pope Francis nagpaabot ng pakikiramay ngayong libing ni ex-president Ramos
Pope Francis weaves his hand from the window of the Apostolic Palace before addressing the crowd at St.Peter's square during his Angelus prayer in Vatican, on August 7, 2022.
AFP/Alberto Pizzoli

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng kanyang mensahe ng pakikiramay ang Santo Papa ng Simbahang Katolika sa libing ni dating Pangulong Fidel V. Ramos — na siyang tumayong head of state sa pinakamalaking Kristyanong bansa sa mundo noong Dekada '90s.

Ngayong araw, Martes, kasi dinala sa huling hantungan ang mga labi (abo) ng dating presidente sa Libingan ng mga Bayani. Inilibing siya sa dati ni dating Pangulong Elpidio Quirino.

"Upon learning of the death of former President Fidel V. Ramos, I extend to you and to the people of the Philippines heartfelt condolences and the assurance of my prayers," sabi ni Pope Francis sa isang pahayag kay Pangulong Ferdinand Marcos na inilathala ng CBCP News, Martes.

"Mindful of the late president's years of service to the nation and his efforts in fostering the values of democracy, peace and the rule of law, I commend his soul to the mercy of Almighty God."

Matatandaang taong 1995 nang dumalaw si Pope John Paul II sa Pilipinas noong kasagsagan ng administrasyong Ramos.

Ang pakikidalamhati ni Pope Francis ay ipinadala kay Ramos kahit na siya'y hindi Katoliko. Kilala si "FVR" bilang ang unang Protestanteng presidente ng Pilipinas.

"Upon President Ramos' family and all who mourn his passing, I invoke the divine blessing of consolation and peace," sabi pa ng Santo papa.

Ika-31 ng Hulyo nang ibalita ang pagpanaw ni Ramos sa edad na 94-anyos. Bagama't isa sa mga matataas na lider-militar noong panahon ng diktadura ni Ferdinand Marcos Sr. noong Martial Law, tumiwalag siya rito at kinikilalang "mahusay na statesman" ng iba pang nagdaang pangulo. — James Relativo

BURIAL

FIDEL RAMOS

LIBINGAN NG MGA BAYANI

POPE FRANCIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with