DILG hinimok LGUs palakasin polisiya vs karahasan sa kababaihan, mga bata
MANILA, Philippines — Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na paigtingin pa ang kanilang mga programa at patakaran sa karahasan laban sa kababaihan at mga bata, gayundin para sa kapakanan ng mga solo parent.
Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga local government unit (LGU) na tugunan ang isyu ng violence against women and children o VAWC noong kanyang unang State of the Nation Address.
“The protection of women and children and welfare of solo parents are issues that the president and his administration will focus on,” ani ng opisyal sa isang pahayag, Huwebes.
“We are, therefore, urging our LGUs to respond with fervor and intensify programs and policies addressing these concerns. Protektahan at pangalagaan natin ang kanilang kapakanan," pagpapatuloy niya.
Ani Abalos, mula kasi Enero hanggang Hulyo ngayong taon ay pumalo na sa 6,383 ang kabuuang bilang ng kasong may kinalaman sa karahasan laban sa kababaihan at 9,677 kaso naman sa karahasan laban sa mga bata.
Dahil dito, nanawagan ang opisyal na paigtingin pa ng mga LGU ang kanilang kampanya kontra VAWC sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kanilang programa tulad ng counseling at support services lalo pa’t tumaas ang kasong may kinalaman dito ngayong pandemya.
“With the rise in VAWC incidents during the pandemic, barangays and local government units must strengthen protective programs, counseling and support services for women who are victims of abuse and solo parents alike because they run to you [LGUs] first when they have concerns and problems," saad niya.
Samantala, nanawagan rin sa Abalos sa mga LGU na ipatupad na ang Expanded Solo Parents Welfare Act na siyang magbibigay dagdag benepsiyo sa mga solong magulang.
“Our LGUs have a role to play in implementing this law, and we will ensure that they will coordinate with the concerned agencies to fast-track its enforcement and swiftly deliver help to our solo parents nationwide,” aniya.
Ilan sa benepisyo sa ilalim ng naturang batas ang pagkakaroon ng mge benepisyaryo ng 10% discount sa gatas, pagkain, gamot, at kagamitang pangsanggol.
Bukod dito, sa ilalim ng nasabing batas ay binabaan na ang period kung saan maaaring matawag na solo parent ang indibidwal — mula sa isang taon ay naging anim na buwan na lang ito, na silang makatatanggap ng P1,000 monthly cash subsidy basta sila'y kumikita ng minimum wage o mas mababa pa rito. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles
- Latest