48% Pinoys nagsabing mahirap sila – SWS
MANILA, Philippines — Tumaas pa ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na ikinokonsidera ang kanilang mga sarili na mahirap.
Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), mula sa dating 43% lamang noong Abril, umaabot na sa 48% noong Hunyo ang bilang ng mga Pinoy na sinasabing sila’y mahirap.
Ayon sa SWS, ang estimated na bilang ng mga self-rated poor families ay nasa 10.9 milyon noong Abril 2022 at 12.2 milyon noong Hunyo 2022.
Samantala, nasa 31% ang nagsabing sila ay nasa ‘borderline poor’ o pagbaba mula sa dating 34%. Nasa 21% naman ang nagsabing sila ay ‘hindi mahirap’ o pagbaba mula sa dating 23%.
Ginawa ang non-commissioned, face-to-face interviews sa may 1,500 respondents sa buong bansa mula Hunyo 26-29, 2022.
- Latest