Fidel V. Ramos, bibigyan ng state funeral

In this Nov. 21, 2016 photo, former President Fidel V. Ramos faced the members of the media in a press conference he considered as a protest in Makati City.
Philstar.com / EC Toledo

MANILA, Philippines — Bibigyan ng state funeral na may full military honors si dating pangulong Fidel V. Ramos??, ayon sa Malacañang.

Matatandaan na pumanaw si Ramos noong Hulyo 31 dahil sa kumplikasyon sa COVID-19.

Tumanggi naman si Press Secretary Trixie Cruz Angeles na kumpirmahin kung bibisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lamay ni Ramos dahil sa seguridad ng Pangulo.

“We have no confirmation of the President visiting the wake kasi hindi talaga natin ina-announce iyan for security reasons,” ani Angeles.

Na-cremate na ang labi ni Ramos at itinakda na ng kaniyang pamilya ang burol umpisa sa Huwebes (?Agosto 4) sa Heritage Park, Taguig City habang ang kaniyang libing ay itinakda ?sa Agosto 9 sa Libingan ng mga Bayani.

Pinasalamatan naman ni Sam Ramos-Jones, apo ni Ramos, ang Armed Forces of the Philippines, Office of the President, at mga kaibigan at tagasuporta sa pagtulong sa kanila sa burol at libing.

Show comments