^

Bansa

Puganteng 3 dekada mahigit wala sa rehas arestado uli sa Maynila

Philstar.com
Puganteng 3 dekada mahigit wala sa rehas arestado uli sa Maynila
Satellite image ng Sampaloc, Manila mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Arestado uli sa Maynila ang isang convicted smuggler ng shabu — na dalawang beses nang tumatakas sa kulungan — matapos makapagtago sa batas ng pinagsamang mahigit-kumulang 31 taon.

Sa isang pahayag ng National Bureau of Investigation (NBI), Martes, sinabing nahuling muli noong ika-28 ng Hulyo ang isang Frank Chua sa Sampaloc, Maynila.

"On July 28, 2022, after... years of freedom, FRANK CHUA was arrested by NBI-[Task Force Against Illegal Drugs] in Sampaloc, Manila," ayon sa NBI sa isang pahayag kahapon.

Ika-10 ng Agosto, 1989 nang unang maaresto si Chua kasama ang iba pa para sa salang pagpupuslit ng 58 kilograms ng shabu sa Ilocos Sur.

Bago dinggin ang kanilang kaso, inilipat sina Chua atbp. akusado sa Vigan Provincial Jail. Sa kabila nito, nakatakas din silang lahat noong ika-22 ng Marso 1990.

Dahil sa wala sila sa kulungan, hinatulan sina Chua ng "guilty" ng korte (trial in absentia) noong ika-7 ng Oktubre 1994 at sinintensyahan ng reclusion perpetua (hanggang 40 taong pagkakakulong).

"CHUA hid in several places in the Philippines but settled inside the Subic Bay Freeport Zone in 1997 and even put up Ding Ho Restaurant and Zone Swan International Inc. with PHILLIP CHUA and ANTON ANG, as front companies in their drug trafficking activities," patuloy ng NBI.

"FRANK CHUA was arrested by operatives of NBI-Anti-Illegal Drug Task Force on July 4, 2003 at Ding Ho Restaurant, Subic Bay Freeport Zone and was committed to New Bilibid Prison (NBP)."

Subalit nang bisitahin ng NBI Anti-Illegal Drugs Task Force si Chua sa Bilibid para makakuha ng impormasyon tungkol sa insidente ng drug smuggling, hindi nila makita ang nabanggit matapos sabihin ng ilang NBP officials na ayaw makipag-usap ni Chua kaniuman.

Pinaghinalaan tuloy na wala na talaga sa NBP si Chua at pinagtatakpan lang ng ilang Bilibid officials.

"Unknown to the NBI and other law enforcement authorities, FRANK CHUA, while serving his time at the NBP, was confined at the Metropolitan Hospital in Binondo, Manila but escaped therefrom on February 28, 2004," patuloy pa ng otoridad.

"No Alert Notice or Request for Manhunt of the escaped convict FRANK CHUA was sent to the Department of Justice (DOJ), Bureau of Immigration (BI), NBI, and other law enforcement authorities."

Matapos maaresto ni Chua nitong Hulyo, inamin din niyang siya ang parehong taong nakulong para sa drug offense nang ilang ulit. — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

DRUG SMUGGLING

ILOCOS SUR

MANILA

NEW BILIBID PRISON

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with