^

Bansa

Marcos Jr. ginawang FDA chief ang doktor niyang si Samuel Zacate

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang personal niyang doktor na si Samuel Zacate bilang bagong director general ng Food and Drug Administration (FDA).

Ito ang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, Miyerkules, matapos madawit ni Bongbong noon sa kontrobersiya ng pagbibigay ng government positions sa mga taong kadikit niya.

"Well, if you would look into his qualifications, he's eminently qualified," wika ni Angeles nang matanong ng media sa isang press briefing kanina.

"To be the FDA head, you have to at least be a doctor or a pharmacist. So he's qualified, plus, he has several distinctions."

Sa kabila nito, ayaw kumpirmahin ng Palasyo kung ibinigay lang ang pwesto kay Doc Zacate dahil sa pagiging malapit sa presidente.

Dati nang kinastigo ng mga progresibo si noo'y Pangulong Rodrigo Duterte, na nauna kay Marcos Jr., dahil sa pagtatalaga sa ilang kaibigan at fraternity brothers sa matataas na posisyon sa Court of Appeals at Commission on Elections.

"We're not sure if his being a personal physician [of Bongbong] actually factored into this [decision] considering he [Zacate] ticks all the boxes, meaning lahat ng requirement bilang FDA [chief], he fulfilled."

Enero lang nang mabatikos si Bongbong matapos niyang sabihin sa presidential interview ng DZRH na bukas siyang ilagay sa Gabinete ang misis niyang si Liza Araneta-Marcos, basta't "siya ang pinakamagaling" sa isang larangan.

Dati nang natawag na "conjugal dictatorship" ang pamumuno noon ng ama ni Bongbong na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Pilipinas kasama ng noo'y first lady na si Imelda.

Kilala si Marcos Sr., na nagdeklara ng Martial Law noong 1972, sa pagtatalaga kay Imelda (ina ni Bongbong) bilang unang gobernador ng Metro Manila. Si Sen. Imee Marcos naman ang unang chair ng Kabataang Barangay, na itinayo ni Marcos Sr., at naging director general din ng Experimental Cinema of the Philippines.

In-appoint ni "Macoy" si Bongbong bilang chairman of the board ng Philippine Communications Satellite Corp (Philcomsat) noong 1985.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

TRIXIE CRUZ-ANGELES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with