2-3 bagyo posibleng pumasok sa PAR ngayong Agosto — PAGASA

A motorist braving rains and strong wind maneouvers along a highway littered with fallen coconut trees in Can-avid town, Eastern Samar province, central Philippines on May 14, 2020, as Typhoon Vongfong makes landfall. A powerful typhoon hit the central Philippines on May 14, forcing a complicated and risky evacuation for tens of thousands already hunkered down at home during the coronavirus pandemic. Because of the twin threat of the storm and the virus, evacuation centres in the central Philippines will only accept half their capacity and evacuees will have to wear facemasks.
AFP/Alren Beronio, File

MANILA, Philippines — Tinatayang dalawa hanggang tatlong bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Agosto, ayon sa PAGASA.

"Sa buwan ng Agosto ay may inaasahan tayong dalawa hanggang tatlong bagyo," anang ahensya sa kanilang pinakabagong weather forecast, Lunes.

Batay sa average track ng cyclones ng PAGASA, maaaring mag-landfall sa Hilagang Luzon ang posibeng bagyo o kaya naman dumaan ay sa Extreme Northern Luzon.

Gayunpaman, inaasahang maapektuhan ang buong Luzon at ilang bahagi ng Visayas dahil sa pagpapalakas ng bagyo sa Southwest Monsoon o Habagat.

"Pero kahit hindi tumama ang bagyo o kahit sa may Northern Luzon dumaan ang bagyo, ang buong Luzon at ilang bahagi ng Visayas ay posibleng maapektuhan nitong bagyo dahil sa hahatak 'yan ng hanging habagat," ani GMA resident meteorologist Nathaniel "Mang Tani" Cruz sa isang ulat ng GMA News.

"Kaya huwag kayong magtaka — hindi dadaan ang bagyo sa Metro Manila kung sakali man, pero magiging maulan," dagdag pa niya.

Samantala, inaasahang hihina naman ang Habagat sa mga darating na araw dahil walang nakikitang weather disturbance ang ahensya. Gayunpaman, posibleng magkaroon ng low pressure area pagkalipas ng ilang araw na siyang muling magpapalakas Habagat.

Habagat

Dahil sa Habagat, inaasahang magiging makulimlim na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa mga susunod na araw sa Metro Manila, Western Visayas, Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA.

Anang ahensya, posible itong magsanhi ng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahan namang magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa natitirang bahagi ng bansa bunsod ng Habagat at localized thunderstorms na siyang posibleng magsanhi ng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa malakas na pag-ulan. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

Show comments