Pangulong Bongbong Marcos at US Secretary of State, magpupulong

President Ferdinand Marcos Jr delivers his first State of the Nation address at the House of Representatives in Quezon City on July 25, 2022.
Aaron Favila via AFP/pool

MANILA, Philippines — Makikipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si US Secretary of State Antony J. Blinken ngayong Agosto.

Sa Agosto 6 magtutungo sa Maynila si Blinken upang maki­pagpulong kay Marcos Jr. at kay Secretary of Foreign Affairs Enrique Manalo upang talaka­yin ang mga bilateral efforts na palakasin ang alyansa ng Amerika at Pilipinas.

Inaasahang tatalakayin din ni Blinken  ang COVID-19 pandemic, pakikipagtulungan sa ekonomiya, paglaban sa pagbabago ng klima, krisis sa Burma, at digmaan ng Russia sa Ukraine.

Kabilang din sa ­inaasahang tatalaka­yin ang pagpapalakas ng kooperasyon sa ­energy, trade, at investment, pagsusulong ng democratic values, at pandemic recovery.

Bukod sa Pilipinas magtutungo si Blinken sa Cambodia, South Africa, Democratic Republic of Congo, at Rwanda sa Agosto 2-12, 2022.

Show comments