^

Bansa

8K paaralan, sinira ng lindol

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
8K paaralan, sinira ng lindol
A huge crack appeared along the national road at Sitio Bio in Barangay Lagangilang, Abra on Thursday after a magnitude 7.0 quake critically hit the province yesterday, July 28, 2022.
STAR/Jesse Bustos

Balik-eskuwela baka mapurnada

MANILA, Philippines — Mahigit 8,000 paaralan ang apektado nang yanigin ng magnitude 7 na lindol ang Abra at iba pang ba­hagi ng Luzon, kamakalawa.

Ayon sa DepEd sa na­sabing bilang, 35 ang ma­tinding napinsala na mula ?sa 15 school division offices sa Luzon habang 11 sa mga naturang paaralan ang mula sa Region III (Central Luzon), siyam sa Region II (Cagayan Valley), walo sa Cordillera Administrative Region (CAR ), at pito sa Region I (Ilocos Region).

Sa pagtaya naman ng DepEd-Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), ang estimated cost para sa reconstruction at rehabilitasyon ng mga napinsalang paaralan ay aabot sa P228.5 milyon.

Samantala, ang 8,027 namang apektadong paaralan ay yaong mga matatagpuan sa mga lugar na nasa ilalim ng instrumental intensity sa Earthquake Information ng Phivolcs o yaong napaulat na mayroong casualties.

Anang DepEd, dumalo sila sa 1st Response Cluster Meeting at lumahok sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Virtual Emergency Operations Center upang mai-assess ang sitwasyon ng mga rehiyon na naapektuhan ng lindol.

Nagpatawag na rin ito ng emergency meeting sa mga regional at division DRRM coordinators ng mga apektadong rehiyon upang iprisinta ang mga updates at response actions na isinagawa ng kanilang tanggapan.

Nakipag-ugnayan na rin umano ang DRRMS sa field DRRM coordinators upang makakuha ng updates hinggil sa bilang ng mga mag-aaral, mga guro at mga non-teaching personnel na apekto ng pagyanig.

Matatandaang ang School Year 2022-2023 ay takda nang magbukas ?sa Agosto 22 at magtatapos sa Hulyo 7, 2023.

Magsisimula naman ang limang araw na face-to-face classes sa Nobyembre 2.

LINDOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with