Luzon, niyanig ng magnitude 7 lindol

Ibinahagi ng tanggapan ni Rep. Eric Yap ang gumibang ginagawang gusali sa La Trinidad, Benguet matapos ang naganap na magnitude 7 na lindol, kahapon ng umaga.

5 patay, higit 60 sugatan

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 7 na lindol ang malaking bahagi ng Luzon na ang lakas ay naramdaman din sa Metro Manila.

Ang Abra ang siyang naging sentro ng malakas na lindol na naganap alas-8:43 ng umaga. Ang pagyanig ay naganap dakong  alas-8:43 ng umaga sa Abra.

Nabatid na may lalim itong 17 kilometro.

Naramdaman ang lakas ng magnitude 7 na pagyanig sa Bucloc at Manabo, Abra.

Intensity 6 sa Vigan City, Sinait, Bantay, San Esteban, Ilocos Sur; Laoac, Pangasinan at Baguio City. Intensity 5 naman ang naramdaman sa Magsingal at San Juan, Ilocos Sur, Alaminos City at Labrador, Pangasinan; Bambang, Nueva Vizcaya; Mexico, Pampanga; Concepcion, at Tarlac City, Tarlac gayundin sa Manila City at Malabon City.

Intensity 4 naman sa Marikina City; Quezon City; Pasig; Valenzuela; City of Tabuk, Kalinga; Bautista at Malasiqui, Pangasinan; Bayombong at Diadi, Nueva Vizcaya; Guiguinto, Obando, at San Rafael, Bulacan; San Mateo, Rizal Intensity III - Bolinao, Pangasinan; Bulakan, Bulacan; Tanay, Rizal Intensity II - General Trias City, Cavite at Santa Rosa City, Laguna.

Ayon sa Phivolcs, asahan ang posibleng mga  aftershocks.

Niliwanag din ng Phivolcs na walang banta ng tsunami kaugnay ng naranasang magnitude 7 na lindol.

Lima na ang iniulat na nasawi, habang mahigit sa 60 ang nasugatan. 

Nauna nang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa kanyang ulat kay ­Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Ayon kay Abalos na ang dalawang namatay ay mula sa Benguet, isa sa Abra at isa sa Mountain Province. — Mer Layson

 

 

 

Show comments