MANILA, Philippines — Asahan pa raw ang mga panaka-nakang aftershocks sa mga lugar na malapit sa episentro ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) press briefing, kasunod ng pagyanig ng 7.0 magnitude na lindol sa Abra.
Tinukoy ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa Tayum, Abra, na siyang may "tectonic" na origin bandang 8:43 a.m. ngayong umaga.
Related Stories
“Posible pong matagal yan. ‘Yung iba nga taon ang binibilang, pero ang panganib po talaga niya ay first 2 to 3 days,” ani undersecretary at OIC ng Phivolcs na si Renato Solidum Jr. sa press briefing, Miyerkules.
Ang aftershocks ay tumutukoy sa mga kasunod na mas mahihinang lindol sa parehong lugar. Aniya, anumang lindol na papalo ng magnitude 7.0 ay maituturing na "major earthquake."
Ayon pa sa Phivolcs, bagaman bababa ang bilang ng pagyanig sa mga susunod na araw, magkakaroon pa rin ng mga panaka-nakang malalakas na pagyanig.
“Bababa po ang bilang in the week, pababa ng pababa pero hindi po tuloy tuloy na bababa ang magnitude. Minsan may pasulpot sulpot tataas na naman ng kaunti,” dagdag pa ni Solidum.
“Importante po ang mga susunod na araw para doon sa mga lugar na malapit sa episentro. Diyan po ‘yung kasagsagan ng marami at malalakas na aftershocks.”
Ani pa ni Usec, ang nagyaring lindol kanina ay “remider to all” dahil biglaan itong mangyayari kahit na anong oras o araw.
Nagpalala rin ang Phivolcs na manatiling mapagmatyag sa mga susunod na mga oras at araw dahil nga inaasahan pa rin ang mga pagyanig. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan