^

Bansa

Aftershocks ng magnitude 7.0 na lindol ‘tatagal ng 2-3 araw’ — Phivolcs

Philstar.com
Aftershocks ng magnitude 7.0 na lindol �tatagal ng 2-3 araw� � Phivolcs
A car is burried under debris from a ruined old house in Vigan city, Ilocos Sur province north of Manila on July 27, 2022, after a 7.0-magnitude earthquake hit the northern Philippines, killing one person, shattering windows of buildings at the epicentre and shaking high-rise towers more than 300 kilometres (185 miles) away in the capital Manila.
AFP / Ricardo Raguini / CJ Ericson Garcia

MANILA, Philippines — Asahan pa raw ang mga panaka-nakang aftershocks sa mga lugar na malapit sa episentro ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) press briefing, kasunod ng pagyanig ng 7.0 magnitude na lindol sa Abra.

Tinukoy ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa Tayum, Abra, na siyang may "tectonic" na origin bandang 8:43 a.m. ngayong umaga

“Posible pong matagal yan. ‘Yung iba nga taon ang binibilang, pero ang panganib po talaga niya ay first 2 to 3 days,” ani undersecretary at OIC ng Phivolcs na si Renato Solidum Jr. sa press briefing, Miyerkules.

Ang aftershocks ay tumutukoy sa mga kasunod na mas mahihinang lindol sa parehong lugar. Aniya, anumang lindol na papalo ng magnitude 7.0 ay maituturing na "major earthquake."

Ayon pa sa Phivolcs, bagaman bababa ang bilang ng pagyanig sa mga susunod na araw, magkakaroon pa rin ng mga panaka-nakang malalakas na pagyanig. 

“Bababa po ang bilang in the week, pababa ng pababa pero hindi po tuloy tuloy na bababa ang magnitude. Minsan may pasulpot sulpot tataas na naman ng kaunti,” dagdag pa ni Solidum.

“Importante po ang mga susunod na araw para doon sa mga lugar na malapit sa episentro. Diyan po ‘yung kasagsagan ng marami at malalakas na aftershocks.” 

Ani pa ni Usec, ang nagyaring lindol kanina ay “remider to all” dahil biglaan itong mangyayari kahit na anong oras o araw. 

Nagpalala rin ang Phivolcs na manatiling mapagmatyag sa mga susunod na mga oras at araw dahil nga inaasahan pa rin ang mga pagyanig.  — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

vuukle comment

ABRA

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

EARTHQUAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with