MANILA, Philippines — Naghain ng resolusyon sina Sen. Risa Hontiveros at Sen. Kiko Pimentel III upang himukin ang Department of Justice (DOJ) na bawiin ang mga nalalabing kaso laban kay ex-Sen. Leila de Lima — sa dahilang binawi ng ilang saksi ang mga testimonya sa kanyang drug charges.
Ito ang iginiit nina Hontiveros at Pimentel, na bumubuo ng two-member Senate minority bloc, sa P.S. Resolution 27 na siyang kumwekwestyon sa "arbitrary detention" ng dating opposition lawmaker.
Related Stories
Pinetsahang ika-14 ng Hulyo ang resolusyon ngunit ngayong Martes lang naisapubliko.
Matatandaang naglabas ng arrest warrant laban kay De Lima ang Muntinlupa Regional Trial Court noong Pebrero 2017 para sa diumano'y tatlong kaso ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Inabswelto na siya sa isa sa tatlong drug charges na kanyang kinakaharap.
"[In] spite of the disadvantages brought by her detention, Senator de Lima continues to speak out on major issues and against the injustices and abuses of the Duterte regime," dagdag pa ng resolusyon.
"[Throughout] her ordeal, Senator de Lima has maintained her innocence and is fueled by her quest for vindication. Without question, her continued detention is one of the grossest injustices ever committed to a sitting Senator."
Habang nakakulong, naipasa niya bilang batas ang 4Ps Act, Magna Carta of the Poor, National Commission of Senior Citizens Act at Community-Based Monitoring System Act.
Serye ng pagbawi
Ika-28 ng Abril nang bawiin ng confessed drug-trader na si Kerwin Espinosa ang mga nauna niyang alegasyong nagdidiin kay De Lima swa kalakalan ng droga sa isang retraction at paumanhin sa isang counter-affidavit sa ibang reklamo sa DOJ.
Aniya gawa-gawa niya lang ito sa mga Senate hearings matapos siyang i-"coerce," "pressure," "intimidate" at "pagbantaan" ng mga miyembro ng Philippine National Police.
Sa kanyang affidavit namang pinetsahang ika-30 ng Abril, binawi rin ng dating officer-in-charge sa Bureau of Corrections na si Rafael Ragos ang kanyang mga pahayag laban kay De Lima matapos aniya pilitin ni noo'y Justice Secretary Vitaliano Aguirre. Si Ragos ay isang key witness sa kaso.
Itinanggi ni Aguirre ang naturang akusasyon.
Ngayong Mayo naman nang bawiin din ni Ronnie Dayan, kanyang dating aide, ang kanyang mga pahayag matapos i-implicate si De Lima sa illegal drug trade sa Bilibid Prison sa isang 2016 Congressional hearing.
"NOW, THEREFORE, BE IT RESOLVED BY THE SENATE, to urge the Department of Justice to withdraw immediately the3 mremaining charges against detained Senator Leila M. De Lima in light of the recent recantations given by key witnesses in her drug cases and move for her release from her unjust and arbitrary detention," patapos ng dokumento.
Una nang sinabi ni Justice Secretary Boying Remulla na bukas silang i-review ang kaso ng opposition figure, na siyang ipinapanawagan ng anim na US senators na mapalaya na.
Taong 2018 nang sabihin ng United Nations Human rights Council Working Group on Arbitrary Detention na ang patuloy na pagkakakulong ni De Lima ay paglabag sa ilang artikulo ng Universal Declaration of Human Rights at International Covenant on Civil and Political Rights.