Zubiri, inihalal na Senate President; Romualdez, House Speaker
MANILA, Philippines — Pormal nang itinalaga bilang bagong Senate President si Sen. Juan Miguel Zubiri habang iniluklok naman bilang House Speaker ang pinsan ni Pa-ngulong Ferdinand Mar-cos Jr. na si 1st District Leyte Rep. Martin Romualdez sa pagbubukas kahapon ng 19th Congress.
Bumoto ang 20 sa 24 senador para gawing Senate President si Zubiri.
Ang naturang 20 senador ang magiging mi-yembro ng mayorya sa Senado. Tanging sina Sens. Risa Hontiveros at Aquilino “Koko” Pimentel III, ang magiging miyembro ng minorya.
Habang ang magka-patid na sina Alan Peter at Pia Cayetano, ay piniling maging “independent.”
Si Sen. Loren Legarda ang napiling Senate President Pro Tempore, habang si Sen. Joel Villanueva ang majority floor leader.
Samantala sa Kamara, 282 ng 309 kongresista ang bumoto para gawing Speaker si Romualdez.
Ang anak ni Marcos na si Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, ang nagnomina kay Romualdez.
Samantala, nahalal naman si Pampanga Rep. Gloria Arroyo bilang House senior deputy speaker.
Ang iba pang inihalal na deputy speaker ay sina Isidro Ungab (Davao), Roberto Puno (Antipolo), Camille Villar (Las Piñas), Christine Singson (Ilocos Sur) at Raymond Mendoza (TUCP party-list.”
Si Rep. Manuel Dalipe ng Zamboanga City ang napiling maging majority leader. - Joy Cantos
- Latest