^

Bansa

COVID-19 at dengue, puwedeng tumama nang sabay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 at dengue, puwedeng tumama nang sabay
Photo from Pixabay shows a mosquito.
Pixabay via 41330

MANILA, Philippines — Maaaring tamaan ng magkasabay na COVID-19 at dengue ang isang tao na mahina ang “immune system” kung kaya kinakailangan na magpatupad ng dobleng gamutan sa parehong sakit.

Sinabi ni Dr. Voltaire Guadalupe, head ng DOH Calabarzon regional disaster risk reducation and management for health, maaaring pumatong ang COVID-19 sa isang taong dinapuan ng dengue dahil sa pagbaba ng kalusugan niya.

“Posible po tayong malasin nang ganon na magkaroon na tayo ng dengue at magkaroon pa tayo ng COVID. So, this will be a real problem... the treatment will be for both,” saad ni Guadalupe.

Inihalimbawa niya ang nangyari sa Tanza, Cavite kung saan 10 indibidwal ang naitalang positibo sa COVID-19 at dengue ng magkasabay, at kinaila­ngang i-isolate nitong unang bahagi ng taon.

Kaya kinakailangan din umano na isailalim ngayon ang mga pasyente na nagpapakita ng mga sintomas na lagnat, ubo at sipon sa magkahiwalay na COVID at dengue test.

Mula Enero 1 hanggang Hulyo 2, nasa 65,190 kaso ng dengue ang naiulat sa bansa, mas mataas nang 83 porsiyento sa bilang ng mga kaso noong parehong panahon ng nakaraang taon, ayon sa DOH.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with