^

Bansa

Batasang Pambansa 'full lockdown' para sa unang SONA ni Marcos Jr.

Philstar.com
Batasang Pambansa 'full lockdown' para sa unang SONA ni Marcos Jr.
This photo from the House of Representatives website shows the Batasan Pambansa complex in Quezon City.
House of Representatives website

MANILA, Philippines — Nagsimula nang isailalim sa lockdown ang Batasang Pambansa Complex bilang bahagi ng seguridad para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes.

Ayon kay House Secretary General Llandro Mendoza, "all systems go" na para sa naturang okasyon.

"We're all systems go na po tayo sa Batasan. Nag-start po tayo simula kagabi ng lockdown, full lockdown po tayo sa House. So more security preparations na lang po ang ginagawa po natin," wika niya sa panayam ng "Unang Balita," Biyernes.

Sambit niya, kinakailangan magpresenta ng negative RT-PCR test result 48 oras bago ang SONA ang lahat ng papasok sa plenary at main building.

Dagdag pa rito, nasa 90% din aniya ng 1,300 panauhin na inimbitahan sa SONA ang nagkumpirma na ng kanilang pagdalo.

Tinatayang nasa 1,200 katao ang papayagan pumasok sa loob ng Kongreso kabilang ang mahigit 300 kongresista, 24 senador, at mga miyembro ng diplomatic corps. 

Samantala, limitado naman ang bilang ng midya na pinahihintulutan makapasok ng gallery.

Ayon kay Paul Soriano na siyang direktor ng unang SONA ni Marcos, magiging "simple and traditional" lang ang nasabing okasyon. 

Una nang hindi inaprubahan ng Quezon City ang aplikasyon ng Bagong Alyansang Makabayan para sa permit to rally sa araw ng SONA. Kasabay nito, ipagbabawal daw ng PNP ang mga protesta sa kahabaan ng Commonwealth Ave.

Sa kabila nito, ipinarerebyu ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kanilang pagbabasura sa permit to rally ng ilang militanteng grupo habang tinitignan ang mga inihaing argumento ng grupo sa pagbabasura ng permit. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

BATASANG PAMBANSA

BONGBONG MARCOS

CONGRESS

HOUSE OF THE REPRESENTATIVES

SONA 2022

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with