MANILA, Philippines — Inaasahan na ilalatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang solusyon para magkaroon ng sapat na pagkain at masawata ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 25.
Ayon kay House tax panel chairman, Albay Rep. Joey Salceda, ang pangako ni Marcos na posible ang P20 kada kilo ng bigas ay isang malaking pangako na dapat tugunan.
Anya, tanging si Marcos lamang sa hanay ng mga kandidato sa pagkapangulo ang nagtakda ng mga aspirational goals at grand national ambitions katulad ng P20 kada kilo ng bigas.
“Among presidential candidates, only President Marcos has set aspirational goals and grand national ambitions ...P20 per kilo of rice as possible...it is an aspirational goal and very difficult to achieve, but this objective, coupled with the President’s decision to be Agriculture secretary, shows how seriously the new President treats food security issues,” ani Salceda.
Sinabi rin ng solon na malamang na tututukan ni Marcos ang tatlong pangunahing areas sa agrikultura, mas maraming ani, mas mababang gastos sa input, mas direktang paghahatid sa mga end-user upang bawasan ang mga presyo ng consumer ng pagkain at modernisasyon ng mga value chain at logistica para sa agrikultura.
Samantala, ipinanukala rin ni Salceda kay PBBM ang kabuuang infrastructure spending program na aabot sa P11 trilyon sa susunod na anim na taon para matamo ng bansa ang “Golden Age of Infrastructure” sa Build, Build More (BBM) program.
Kailangan din umanong lumikha ng trabaho at suportahan ang maliliit na negosyo, maging handa sa pagbabago ng klima at panglima ay paigtingin ang commitment sa edukasyon ilang pinakaimportante sa social at economic na pagsulong ng bansa.