Public school teachers, underpaid – Pulse Asia
MANILA, Philippines — Malaki ang paniwala ng kalahati ng mga Pinoy na underpaid o mas mababa sa nararapat ang suweldo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Batay sa latest survey ng Pulse Asia, 50 percent ng mga Pinoy ay naniniwalang underpaid ang mga public school teachers, 37% ang naniniwalang ang mga guro ay may sapat na sahod, 3% din ang nagsabi na overpaid o lagpas pa sa nararapat at 10% ang hindi makapagsabi kung sapat o hindi.
Ang survey na kinomisyon ni Sen. Sherwin Gatchalian ay ginawa mula June 24-27 sa 1,200 Pinoy adults na tinanong ng face- to-face nationwide.
Ayon kay Gatchalian, napag-iiwanan ang Pinoy teachers kung ikukumpara sa suweldo ng kanilang counterpart sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.
Inihalimbawa niya ang Indonesia na P66,000 ang entry level pay ng mga guro samantalang P25,439 lamang dito sa Pilipinas.
Kung maitataas ang suweldo ng mga guro, maitataas din ang kanilang moral at mahihikayat ang mas maraming kabataan na kumuha ng kurso sa pagtuturo.
Dahil dito, kaya inihain niya ang Senate Bill 149 o Teacher Salary Increase Act kung saan itataas ng dalawang antas ang salary grade ng mga guro.
Para sa teacher 1, ay itataas sa P29,798 o salary grade 13 ang tinatanggap ngayon na salary grade 11 o P25,439. — Angie dela Cruz
- Latest