^

Bansa

Marcos Jr. inutos limited blended learning sa ilang piling lugar

James Relativo - Philstar.com
Marcos Jr. inutos limited blended learning sa ilang piling lugar
Kuha kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. habang nasa isang Cabinet meeting sa Palasyo, ika-19 ng Hulyo, 2022
Video grab mula sa RTVM Youtube channel

MANILA, Philippines — Bahagyang kinontra ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Education (DepEd) matapos niyang sabihing dapat pa ring magkaroon ng blended learning sa mga "espisipikong lugar" kahit na harapang klase na sa kabuuan sa loob ng apat na buwan.

Sa ilalim kasi ng DepEd Order 32 s. 2022, ipagbabawal na ang anumang uri ng "purely distance learning" at blended learning sa anumang eskwelahan pagpasok ng ika-2 ng Nobyembre.

"Ang gawin na lang natin [ay] i-identify saan ‘yung areas na magbe-blended learning para maka-focus tayo," ani Marcos Jr. sa isang Cabinet meeting sa Malacañang, Martes.

"Ihanda yung mga devices at mga kailangan nila na noong pandemic hindi nasu-supply-an sa mga bata."

Ito ang kanyang pakiusap kay Education Secretary at Bise Presidente Sara Duterte bilang tugon sa mga problema sa internet connectivity at pagtaas ng COVID-19 cases dulot ng bagong variants.

Maliban dito, hamon pa rin sa Kagawaran ng Edukasyon ang availability ng classrooms, mga guro atbp. Sa kabila niyan, determinado pa rin naman daw ang Palasyo na matuloy ang mga planong transisyon sa edukasyon.

"We continue with blended learning pero in very specific places lamang. As much as possible, face-to-face na talaga," patuloy ni Bongbong.

Sa naturang DepEd order na nabanggit sa itaas, full implementation na dapat ang five-day in-person classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Nobyembre maliban sa mga nagpapatupad ng Alternative Delivery Modes na binabanggit sa DO 27, s. 2Ol9 na pinamagatang "Policy Guidelines on the K to 12 Basic Education Program" at DO O1 s. 2022 o "Revised Policy Guidelines on Homeschooling program."

Magsisimula ang preparasyon sa nalalapit na school year sa ika-25 ng Hulyo para sa enrollment. Opisyal na magbubukas ang School Year 2022-2023 sa ika-22 ng Agosto.

Una nang binanggit ni Marcos Jr. na sisimulan paramihin ang mga harapang klase sa Setyembre bago ang full face-to-face implementation sa Nobyembre.

Matatandaang sinabi ng transport advocacy network na The Passenger Forum na hindi pa handa ang pampublikong transportasyon sa Metro Manila para demands ng mga mananakay sa napipintong pagbubukas ng mga klase.

Kahapon lang nang maglabas sila ng kanilang survey results kung saan sinasabing 96% ng mga nasa Greater Metro Manila Area ang nagsabing hindi sapat ang bilang ng public utility vehicles sa kalsada, habang 79% naman ang nagsasabing napakatagal ng kanilang waiting time.

Nangyayari ang lahat ng ito ngayong 3.73 milyon na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health. Sa bilang na 'yan, 60,641 na ang patay.

BONGBONG MARCOS

DEPARTMENT OF EDUCATION

NOVEL CORONAVIRUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with