^

Bansa

Vulnerable sector, ‘high risk’ sa Monkeypox

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Vulnerable sector, âhigh riskâ sa Monkeypox
A child affected by monkeypox, sits on his father's legs while receiving treatment at the centre of the International medical NGO Doctors Without Borders (Medecins sans frontieres - MSF), in Zomea Kaka, in the Lobaya region, in the Central African Republic on October 18, 2018. Monkeypox is a contagious disease, without remedy, which heals itself, but who can kill if not treated in time. Since May 2018, the monkeypox virus, which spreads in tropical Africa, has become a "public health threat" in the Central African Republic, according to the Pasteur Institute of Bangui.
AFP / Charles Bouessel

MANILA, Philippines — Nakapagtala rin nga­yon ng pagtaas sa mga kaso ng monkeypox sa mundo at ang pinaka na­nganganib na dapuan nito sa bansa ay ang “vulne­rable sector”, ayon kay infectious disease expert Dr. Rontgene Solante.

Mula Enero 1 ngayong taon, mayroon nang 7,892 kaso ng monkeypox sa mga “non-endemic” na bansa, base sa datos ng World Health Organization (WHO).

Sinabi ni Solante na ang pinakamabilis na dapuan ng naturang sakit ay ang mga “immunocompromised” na indibidwal, mga bata, buntis, at matatandang populasyon. Mababa naman na dapuan ang “general population”.

Pero nilinaw ni Solante na wala pang naitatalang kaso ng monkeypox virus sa bansa at iginiit kamakailan ng Department of Health (DOH) na handa silang labanan ito sakaling makarating na sa Pilipinas.

Sa mga naitalang kaso sa mundo, 78% nito ay mga lalaki na edad 18-44. Nasa 98% ang natukoy na mga lalaki na naki­pagtalik sa kapwa lalaki, habang 41% ang namumuhay kasama ang isang taong may HIV.

Ang hamon umano ngayon sa mga bansa na “non-endemic” ang virus ay kung paano matutukoy na naririto na ito.

Maaaring makumpirma ang isang kaso sa pamamagitan ng RT-PCR testing, habang sa isang bansa ay antigen test ang ginagamit.

RONTGENE SOLANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with