^

Bansa

'Hindi na sila poor?': 1.3 milyong benepisyaryo ng 4Ps niligwak sa DSWD list

James Relativo - Philstar.com
'Hindi na sila poor?': 1.3 milyong benepisyaryo ng 4Ps niligwak sa DSWD list
Individuals line up to receive cash aid from the national government during enhanced community quarantine at a basketball court in Manila on August 11, 2021
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Hindi na makakatanggap ng ayuda ang lagpas 1 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) matapos mapag-alaman ng Department of Social Welfare and Development na "nakawala na sila sa kahirapan."

Ito ang pagbabahagi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, Martes, matapos daw ang ikatlong pulong niya kasama ang kanyang Gabinete.

"Of note is Sec. Erwin Tulfo’s declaration that in the Pantawid Pamilyang Pilipino program at least 1.3 million beneficiaries out of 4.4 are no longer considered 'poor' as a qualification for the 4Ps benefits," wika ni Angeles sa isang pahayag kanina.

"This frees up P15B for other qualified persons to replace them and now be included in the said program."

Lumabas ang balitang ito kahit na lumobo sa 3 milyon ang walang trabaho sa Pilipinas nitong Mayo (6% unemployment rate). Mas mataas 'yan kaysa sa 2.76 milyong walang trabaho noong Abril (5.7% unemployment rate).

Ibinunyag ni Angeles ang nasabing statement matapos sabihin ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na nakahandang magbigay ang kanilang kagawaran ng P1,000 cash reward para sa mga magsusuplong o magbibigay impormasyon sa mga pamilyang hindi kwalipikado pero patuloy na nakikinabang sa 4Ps.

Ang 4Ps ay isang human development measure ng gobyerno na nagbibigay ng "conditional cash grants" sa "poorest of the poor" para mapaigi ang kalusugan, nutrisyon at edukasyon ng mga batang edad 0 hanggang 18-anyos.

Dati nang nabatikos ng mga progresibong grupo ang ideya ng conditional cash transfers bilang "dole outs" o "limos," ito habang itinutulak na gumawa na lang ng karagdagang hanap-buhay para sa mga dukha.

"The Department of Education discussed their Priority Programs and Projects for Basic Education while the Department of Social Welfare and Development presented their own Programs and Progects for Social Welfare," sabi pa ni Angeles.

Mayo lang nang sabihin ni Tulfo na magbibitiw siya sa katungkulan niya sa DSWD sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon kung hindi maibigay nang mabilis ang ayuda sa mga biktima ng kalamidad.

4PS

CASH AID

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

ERWIN TULFO

TRIXIE CRUZ-ANGELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with