^

Bansa

Survey: Bilang ng 'dissatisfied' sa K-12 program tumaas mula 2019

Philstar.com
Survey: Bilang ng 'dissatisfied' sa K-12 program tumaas mula 2019
Mothers supported by Gabriela, a leftist women's group, hold placards at the gate of the Philippine Supreme Court in Manila on October 13, 2015, seeking a halt to a new government programme adding two years to the basic education system of the Philippines. The program, called K-12, will increase the years of required schooling of children from 10 to 12 years, putting the Philippines at the same level of most other countries. The government feels this additional education is needed to keep the country competitive with the rest of the world but some Filipinos feel it will add too much to their schooling expenses and will delay the time when children can move on to higher education.
AFP/Jay Directo, File

MANILA, Philippines — Kumpara noong 2019, mas madami ngayon ang bilang ng mga Pilipinong hindi nasisiyahan sa kasalukuyang K-12 basic education system ng bansa.

Batay kasi sa survey ng Pulse Asia na ikinasa noong ika-24 hanggang ika-27 ng Hunyo, 44% ng respondents ang "dissatisfied" sa naturang programa habang 39% ang "satisfied" at 8% naman ang "undecided."

Ayon sa ulat ng GMA News, 1,200 Pinoy adults ang sumagot sa naturang survey na siyang may margin of error na ± 2.8.

Makikita sa survey result na tumaaas nang 16% ang dissatisfaction rate kumpara noong Setyembre 2019 kung saan 28% lang ang "dissatisfied" sa programa.

"Ito ay dahil hindi natutupad ang mga pangako nito at naging dagdag na pasanin lamang ito sa ating mga magulang at mga mag-aaral,” wika ni Sen. Sherwin Gatchalian, Lunes.

'Hindi tumalab'

Nauna nang sinabi ni dating Senate President Vicente Sotto III na "hindi tumalab" ang naturang programa sa mga employer dahil aniya itinuturing pa rin bilang high school graduates ang mga nakapagtapos ng K to 12.

Ani Sotto, marapat lang na suriing muli ang kurikulum lalo pa't marami aniyang mga paksa ang naisasantabi.

"Dapat talagang i-review 'yung curriculum. Review-in na rin natin 'yung qualifications saka 'yung tinatawag na kalagayan ng mga teachers. [M]arami yatang nawala na magagandang subjects na pinag-uusapan. Ang daming walang alam sa History," sambit niya sa isang panayam noong Hunyo.

"[B]aka sa kultura sa ibang bansa, puwede 'yon. Baka sa atin, hindi... Hindi tumalab 'yung K to 12 sa mga businesses, sa mga employers. Ang hinahanap pa rin, college graduate. That is the sad fact."

'Unique ang K-12 natin'

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng interes ang Commission on Higher Education (CHEd) sa pagrerepaso ng K-12 program.

"CHEd has already indicated its interest in the need to review the K-12 program. There’s already enough time to do a review,” ani CHEd Chairman Prospero de Vera sa isang pahayag noong Hunyo.

"The K-12 was implemented right before the Duterte administration took over, so we have the benefit of several years already. Data is available. Evaluation can be done. We can already look into a lot of things in K-12," pagpapatuloy niya.

“[A]re we producing students who may not be as ready for university education? Or are we producing K-12 graduates that the industry is hesitant to employ? So we’ll have to study that in the evaluation of K-12,” dagdag pa niya.

Matatandaang nito lamang nakaraang buwan nang ipinag-utos ni President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang muling pagsusuri sa implenatasyon ng K-12 program. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

BASIC EDUCATION

DEPARTMENT OF EDUCATION

PULSE ASIA

SURVEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with