^

Bansa

Karne sa NCR nagmahal nang higit P30/kilo; DA iginiit na walang 'shortage'

Philstar.com
Karne sa NCR nagmahal nang higit P30/kilo; DA iginiit na walang 'shortage'
A display of pork meat for sale at Commonwealth Market in Quezon City on Wednesday, April 21, 2021.
The STAR / Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P30 kada kilo ang itinaas ng presyo ng meat products sa Metro Manila kasabay ng patuloy na banta ng African swine fever (ASF) sa bansa.

Ayon kasi sa Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP), kasalukuyang may problema ang sektor ng angrikultura sa suplay ng itlog at karne.

"'Pag dating sa itlog, [d]efinitely [l]along tataas at talagang may kakulangan dahil sabi ko nga, bago makadagdag ng supply eh aabutin ng one and a half years,” ani AGAP representative Nicanor Briones sa ulat ng GMA News, Linggo.

"‘Pag dating naman sa karneng baboy, [g]anyan pa rin ang sitwasyon medyo tataas kasi lalakas ang demand, ‘yung supply ay di pa rin naman magkakaroon ng ganon karaming dagdag dahil patuloy na mayroong ASF," pagpapatuloy niya.

Nangyayari ito kulang-kulang dalawang buwan bago ang "Ber" months kung kailan naghahanda na para sa pagpasok ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Sumisirit ang presyo ng bilihin sa kabila ng campaign promise ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagbaba ng presyo ng bigas sa P20/kilo.

Matatandaang umabot sa 6.1% ang inflation rate sa Pilipinas nitong Hunyo 2022, na siyang pinakamataas sa mahigit tatlong taon. Huling mas mabilis ang pagtaas ng presyo ng bilihihin diyan noong Oktubre 2018 kung kailan umabot ito sa 6.7%.

Pagtataas ng presyo sa aktwal

Naitala sa ulat na ilang palengke na sa Metro Manila ang nagtaas ng presyo ng kanilang meat products tulad ng Trabajo Market sa Maynila kung saan ang dating P330/kilo ng kasim/pigue ay naging P360 na. Maging ang liempo na dati'y P380/kilo ay lumobo na sa P400 - P410 at whole chicken na dating P200 ay naging P210.

Kaugnay nito, sinabi ng United Broilers Raisers Association (UBRA) na iiwasan nila ang magtaas-presyo hangga't posible.

"[H]anggat may margin pa naman kami na kikita, iiwasan sana namin na magtaaas. Kahit kumita nang kaunti, okay na,” sambit ni UBRA chairman Gregorio San Diego.

Batay sa datos mula price monitoring ng Department of Agriculture nitong Biyernes, Hulyo 15, makikitang iba-iba ang presyo ng meat products sa bawat merkado sa Metro Manila — may iba na tumaas, merong bumaba, at merong nanatiling pareho lang ang presyo mula Hulyo 11.

Parehong P340/kilo ang fresh kasim/pigue sa San Andres Market at P360 naman sa  Quinta Market. Bumaba naman ang presyo sa Sta. Ana Market na dating 390 at ngayon ay P380 na. 

Sa pork liempo naman, halos pareho lang din ang presyo kumpara noong Hulyo 11. Naitala ang pinakamahal na fresh pork liempo sa Sta. Ana Market Maynila kung saan nasa P410/kilo ang halaga nito. Pinakamura naman sa  Marikina Zone Market kung P320 lang ang halaga nito.

Ang fresh whole chicken naman ay tumaas nang P5 hanggang P10. Naitala ang pinakamahal na whole chicken sa Mandaluyong Public Market, Sta. Ana Market, Concepcion Dos Wet and Dry Market, Tandang Sora Market, at Da Best Sangandaan Market kung saan pumapatak sa P220 ang halaga nito. Pinakamura naman sa Marikina Zone Market kung saan P181.50 ang presyo nito.

Sa kabila ng mga pagtaas, iginigiit ng Kagawaran ng Agrikultura na walang shortage sa suplay ng karne. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles 

INFLATION

MEAT

PRICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with