^

Bansa

'Mass layoffs' ibinabala ng gov't workers sa planong streamlining ng DBM

James Relativo - Philstar.com
'Mass layoffs' ibinabala ng gov't workers sa planong streamlining ng DBM
This August 19, 2020 photo shows the "mega contact-tracing center" in Valenzuela City.
The STAR / Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Pinalagan ng isang grupo ng mga empleyado ng gobyerno ang planong "streamlining" ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bagay na magdudulot daw ng malawakang kawalang trabaho.

Miyerkules nang sabihin ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na makakatipid ang gobyerno ng P14.8 bilyon kada taon kung magtatanggal ng 5% ng workforce nito sa ngalan ng "rightsizing" ng burukrasya. Tinatayang 2 milyong empleyado ang maaapektuhan.

"Every new administration always plans to reorganize and streamline the bureaucracy. The Marcos Jr. administration is not exempt from this," wika ng grupong Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), Huwebes.

"And in every reorganization undertaken by every administration, rank-and-file government employees are the first to be affected through mass layoffs."

Una nang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang pondong matitipid ay maaari pa sana kasing magamit para sa infrastructure projects at sa social services gaya ng kalusugan, agrikultura, atbp.

Overlapping functions

Bukod pa riyan, ginagawa raw ito upang maayos ang mga ahensya ng gobyerno na may "repetitive" at "overlapping functions."

Ika-30 lang ng Hunyo nang lagdaan ni Marcos Jr. ang Executive Order 1 na siyang bumubuwag sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) habang nire-reorganize ng pangulo ang mga ahensyang may duplicated at overlapping official functions. Ito'y kahit na sangkot sa nakaw na yaman ang kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

"Plans to streamline the government, which would result in mass layoffs and dislocation of government workers, are part of neoliberal policies to ensure that foreign and local elite interests come first before the needs of the people," dagdag pa ng Courage kanina.

Kabalintunaan daw ito lalo na't 2/3 diumano ng buwis na nakokolekta ng gobyerno taun-taon ay napupunta naman daw talaga sa pambayad utang, korapsyon, "pork barrel atbp. kaysa infrstructure at serbisyo publiko. Maya't maya lang din daw kumukuha ng government workers ang bawat bagong administrasyon sa tuwing nagsisante na tanda diumano ng patronage system.

Aminado ang kaalyado ng Courage na Kabataan party-list na may mga redundant institutions gaya ng PACC, ngunit problematiko raw ito dahil ililipat kay Executive Secretary Victor Rodriguez — dating tagapagsalita ni Marcos Jr. — ang kapangyarihan ng ahensya.

"In the end, efforts streamlining and reorganizing the Office of the President to combat corruption will be futile if no investigation of all alleged corruption reports linked to the Rodrigo Duterte administration will be made, and if the ill-gotten wealth and unpaid taxes of the Marcoses will be left unrecovered," sabi naman ng Kabataan.

Imbis na malawakang tanggalan sa trabaho, nananawagan ang Courage sa administrasyon ng mas episiyenteng pagkolekta ng buwis, paglaban sa korapsyon at pagsasayang ng pera ng gobyerno at pagbawi sa ill-gotten wealth ng mga opisyal para mas lumaki ang kaban ng bayan kaysa isangkalan ang mga government workers.

BONGBONG MARCOS

COURAGE

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

GOVERNMENT WORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with