MANILA, Philippines — Ilang araw bago magbukas ang 19th Congress sa July 25, isinampa ni Senator Cynthia A. Villar ang kayang priority bills para mapabilis ang paglago ng agrikultura ng bansa, mapangalagaan ang kapaligiran at matulungan ang Pinoy entrepreneurs.
Mananatili kay Villar ang chairmanship ng Senate Committees on Agriculture and Food at Environment and Natural Resources sa darating na Kongreso. Pinangunahan din niya ang mga naturang komite noong 18th Congress.
Iginiit ni Villar na mapaiigting ng kanyang mga panukalang batas ang food sustainability at sufficiency ng bansa.
Sinabi pa niya na sa mga panahong ito, kailangang tutukan ang ating livestock industry. Aniya, ang sektor na ito na binubuo ng cattle, hogs, poultry at dairy ang magpapakain sa ating mga kababayan. Mapababa rin nito ang kahirapan sa kanayunan sa pagbibigay ng mas magandang kita at trabaho sa mga magsasaka at kanilang pamilya.
Sa pag-unlad nito, sinabi ng senador na magiging abot-kaya ang ligtas at masustansiyang produkto ng livestock, poultry at dairy para sa 110 milyong Pilipino.
Sa kasaluyan, sinabi ni Villar na unti-unting umuusbong ang ASF na mga lugar na noo’y hindi naman idineklarang “red zones”.
Binanggit din niya na patuloy din ang pagkalat ng Avian influenza o bird flu sa buong bansa. May mga naitalang bagong outbreaks sa Luzon at Mindanao.