^

Bansa

Pinay na nagturok ng unang 'approved' COVID-19 vaccine in-awardan ni Queen Elizabeth II

Philstar.com
Pinay na nagturok ng unang 'approved' COVID-19 vaccine in-awardan ni Queen Elizabeth II
Britain's Queen Elizabeth II presents the George Cross to NHS England CEO Amanda Pritchard (R), and May Parsons, Modern Matron at University Hospital Coventry and Warkwickshire, representatives of Britain's National Health Service (NHS), during an Audience at Windsor Castle, west of London on July 12, 2022. Queen Elizabeth II praised Tuesday the "amazing" Covid-19 vaccine rollout, awarding the National Health Service (NHS) the George Cross.
AFP/POOL/Aaron Chown

MANILA, Philippines — Tumayo bilang kinatawan ng United Kingdom’s National Health Service ang UK-based Filipina May Parsons sa pagtanggap ng George Cross mula kay Queen Elizabeth II nitong Martes.

Si Parsons, na nagtapos ng nursing sa University of Santo Tomas, ang kauna-unahang nagturok ng clinically-approved na bakuna laban sa COVID 19 noong ika-8 ng Disyembre 2020.

Nakapanayam pa nga ng Pinay nurse ang reyna ng UK.

Sinabi ni Parsons "We're terribly, terribly proud of the vaccination rollout." Kung saan sumagot si Queen Elizabeth ng, "Yes, it was amazing."

Kasama ni Parsons sa pagtanggap ng George Cross si NHS chief executive Amanda Pritchard. Sila ay kumatawan sa mahigit kumulang 1.5 million na miyembro ng NHS na nagtatrabaho sa England.

Ayon sa isang tweet na inilabas ng Royal Family, ang George Cross ang pinakamataas na gantimpalang maaring matanggap ng isang sibilyan sa UK.

“It is the UK's highest award for non-military courage,” ayon sa tweet.

Sinimulan ni King George VI ang pag gawad ng patimpalak noong 1940 para sa mga nagpakita ng kabayanihan o katapangan sa gitna ng kapahamakan.

Binigyang pugay naman ni Michael Vernon, ang opisyal na nakatalaga sa pag-oorganisa ng mga seremonyas, ang mga nagtrabaho at nagtatrabaho sa NHS mula nang matatag ito noong 1948

"Over more than seven decades, and especially in recent times, you have supported the people of our country with courage, compassion and dedication, demonstrating the highest standards of public service."

"You have our enduring thanks and heartfelt appreciation," .dagdag pa ni Vernon.

Matapos grumaduate sa UST ni Parsons, nagtrabaho rin siya rin bago magtungo sa UK noong 2003.

Hindi ito ang unang beses na nabigyan ng parangal ng British Government ang isang Pinay mula sa NHS.

Noong 2018, si Joy Ongcachuy, isa na namang Filipina nurse, ay nakatanggap ng Order of the British Empire.

Natanggap ni Ongcachuy ang patimpalak matapos nitong manguna sa pag aalaga ng mga biktima ng 2017 London Bridge terrorist attacks.

“[The OBE] is awarded for having a major local role in any activity, including people whose work has made them known nationally in their chosen area” ayon sa GOV.UK. — Philstar.com intern Jomarc Corpuz at may mga ulat mula sa AFP

COVID-19 VACCINES

NOVEL CORONAVIRUS

NURSE

PINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with