^

Bansa

Income tax, VAT sa Pinoy film industry ipinatatanggal 'para pelikula mabuhay uli'

Philstar.com
Income tax, VAT sa Pinoy film industry ipinatatanggal 'para pelikula mabuhay uli'
File photo ng isang babaeng nanunuod ng pelikula sa isang sinehan
Released/CEAP

MANILA, Philippines — Inihain ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang Senate Bill no. 28 na layong tulungang makabangon ang industriya ng pelikula sa bansa na nalugmok dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic. 

Ang panukalang batas ay naglalayong bigyan ng fiscal incentives sa proprietors, lessees, at operators ng mga sinehan.

Nakasaad sa naturang panukala na alisin ang iba’t ibang klase ng national at local taxes na ipinapataw sa nabanggit na industriya tulad ng income tax, excise tax, value-added tax at amusement tax.

“Bilang isa sa labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic, ang Philippine movie industry ay labis ding naapektuhan," paliwanag ni Revilla sa isang pahayag, Miyerkules.

"[N]apakarami ng nawalan ng hanapbuhay dahil sa hirap mag-produce ng pelikula at nagsara ang mga sinehan na grabeng nagpalugmok sa sitwasyon ng mga film producers, movie theater operators at mga manggagawa sa likod ng camera."

Kasabay ng pagbibigay ng mga insentibong ito, 5% ng gross income na kikitain ay ibabayad sa gobyerno kung saan:

  • 3% ay kailangang ipadala sa national government
  • 2% ay dapat ipadala sa Treasurer’s Office ng siyudad o munisipalidad kung saan naroon ang negosyo o kalakalan

Ayon pa sa senador, sa kabila ng maraming nagbubukas na sinehan ay marami pa ring ayaw tangkilikin ang industriya dahil sa mga ipinapataw na restriksiyon kasama na rin ang pagsirit ng mga presyo ng bilihin at mga serbisyo. 

Personal para sa senador ang inihaing panukala dahil hindi raw dapat kalimutan ang industriya ng sining dahil ito raw ang pinaghuhugutan ng libangan at kasiyahan ng mga Pilipino lalo na ngayong pandemya.

Una nang inestima ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines na aabot sa 336,000 katao ang nawalan ng trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic, lalo na't isinara ang pisikal na mga sinehan sa kasagsagan nito.

"We have nursed back many businesses and establishments back to life in the last few years. And as we do so, we should not forget the movie industry and the thousands in its employ who have been so badly hit by the pandemic," dagdag pa ni Revilla, na isa ring aktor.

"Many do not realize that in one way or another, they too are frontliners because of the entertainment they continue to produce for the Filipino people. For this industry and its art to keep living and thriving, we must offer swift assistance." — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

BONG REVILLA

MOVIE

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE CINEMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with