^

Bansa

Natuping bagong P1,000 'dapat tanggaping pambayad' — Bangko Sentral

Philstar.com
Natuping bagong P1,000 'dapat tanggaping pambayad' — Bangko Sentral
An attendant at a gas station in Tomas Morato, Quezon City stretched out a P1,000 peso bill that he received as payment from a customer on Tuesday.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inilinaw ng Bangko Sentral ng Piipinas (BSP) na katanggap-tanggap pa rin bilang pambayad ang mga bagong P1,000 polymer banknotes — kahit na maitupi pa.

Inilabas ng BSP ang pahayag sa gitna ng kaliwa’t kanang social media posts ng mga negosyong hindi aniya tumatanggap ng mga lukot na salaping plastic. Isa sa mga tinutukoy ang isang tanyag na mall chain.

“The BSP informs the public that folded banknotes, whether paper or polymer, can still be circulated and accepted for payment. As such, retailers and banks should accept them for day-to-day payment transactions," ayon sa BSP, Martes nang umaga.

Inabisuhan din ng Bangko Sentral ang publiko na gumamit ng bi-fold wallet (natitiklop sa dalawa) kung saan sila ay magkakasya at mananatiling malinis bilang pambayad ng mga bilihin.

Kamakailan lang nang depensahan ng BSP ang kanilang desisyong lumipat mula sa perang papel (abaca-based) patungo sa polymer. Ang mga bagong polymer banknotes ay inaasahang magiging "mas ligtas at mas eco-friendly."

Nasa sirkulasyon pa rin ang mga lumang P1,000 bill kung saan nakalagay ang mga mukha ng tatlong bayani mula sa panahon ng Hapon na sina Former Chief Justice Jose Abad Santos, Girl Scout of the Philippines founder Jose Llanes Escoda at Gen. Vicente Lim.

Tampok naman sa bagong isang libo ang Philippine Eagle, ang pambansang ibon ng bansa.

Una nang sinabi ng BSP nitong ika-13 ng Hunyo na huwag isailalim sa "excessive folding" o sobra-sobrang pagkakalukot ang panibagong pera. Wala itong sinabing bawal itong tupiin.

SM: Sira-sira lang 'di namin tatanggapin

Samantala, naglabas din ng pahayag ang Sy-owned SM Retail Stores ukol sa pagtanggap ng mga bagong polymer notes. Ayon sa SM, tatanggapin pa rin ng mga malls nito ang mga natuping bagong P1,000 bill. 

"Only those that are mutilated - stapled and ripped caused by removal of staple wire - will be deemed unfit and not accepted," sinabi ng korporasyon sa pahayag kahapon.

"Our policy has considered the guidelines set by the Bangko Sentral ng Pilipinas. We encourage the public not to engage with the misleading social media posts."

Ang mga sisira sa mga barya o perang papel ay maaring humarap sa limang taong pagkakakulong at magbayad ng multa na aabot sa P20,000 sangayon sa Presidential Decree 247 na nilagdaan noong 1963.

‘Laminate nalang, for sure safe’

Samu’t saring reaksyon ang natamo ng kumalat na bali-balitang bawal matiklop ang mga bagong perang papel.

Sinabi ng isang netizen sa viral Facebook post na ito na kailang pang ipalaminate ang bagong mga pera para lang maipambili.

“Hindi ko na maintindahan tong gobyernong to, kulang nalang hindi pahawakan yan. Dapat jan sa abgong 1k nayan ipalaminate bago ibili para laging tuwid,” wika niya.

Nagpahayag naman ng pag-aalala ang isang Facebook user sa mga konduktor ng bus.

“Paano na yung mga konduktor sa bus, bawal na tupiin sa gitna at iipit sa daliri yung bagong 1k.” — Philstar.com intern Jomarc Corpuz

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

MONEY

SM MALLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with