^

Bansa

Pangulong Bongbong Marcos bumubuti na ang lagay matapos magka-COVID-19

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Bongbong Marcos bumubuti na ang lagay matapos magka-COVID-19
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. answers question directed to him by the members of the Palace media during a press briefing at the Heroes Hall in Malacañang, Tuesday, July 5, 2022.
PCOO/Robinson Niñal

MANILA, Philippines — Bumubuti na umano ang kalagayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at patuloy na nagtatrabaho habang nasa kanyang bahay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga direktiba sa miyembro ng kanyang mga Gabinete.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, na noong Sabado ng hapon ay binisita na ni Dr. Samuel Zacate ang Pangulo at sinabing may konting sintomas na lamang ng COVID-19. Wala na siyang lagnat at hindi naman nawalan ng pang-amoy at panlasa.

Sinabi rin ni Dr. Zacate na walang senyales ng respiratory distress o pneumonia ang Pangulo at normal na rin ang “vital signs”.

Matatandan na nagpositibo si Marcos sa COVID-19 sa isinagawang antigen test noong Biyernes, Hulyo 8, dahil nakaranas siya ng lagnat, pagbabara at panga­ngati ng ilong at paminsan-minsang pag-ubo.

Isang RT-PCR test din ang isinagawa kay Marcos na nagpapatunay na siya ay positibo sa SARS-COV-2.

Ito na ang pangalawang beses na nagpositibo sa COVID si Marcos, ang una ay noong kasagsagan ng pandemya noong 2020.

Ayon kay Angeles, pinayuhan ang Pangulo na sumailalim sa home isolation sa loob ng pitong araw bilang pagsunod sa protocol ng Department of Health (DOH) para sa mga fully vaccinated.

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with