Pangulong Marcos Jr. positibo sa COVID-19 antigen test

MANILA, Philippines (Updated 5:46 p.m.) — Kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 si bagong Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos sumailalim sa isang antigen test.

Ito ang ibinahagi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang press para sa Malacañang Press Corps ngayong Biyernes. Mayroong nararamdamang sintomas ang pangulo tulad ng lagnat, dagdag pa ni Angeles.

 

"He has a slight fever, but he is otherwise okay. Those in close contact with him are currently being informed by the Presidential Management Staff to observe their symptoms," wika ng pa niya.

Nagnegatibo naman sa ngayon ang iba pa niyang mga kapamilya gaya na lang ng anak niyang si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos. 

Out of town naman daw ang asawa ni Bongbong na si Liza kasama sina Simon at Vincent kung kaya't hindi nakasama ang amang may sakit.

Wika naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sapat na ang isang antigen test upang malaman kung positibo sa COVID-19 ang tao lalo na't nagpapakita ang presidente ng mga sintomas.

Sa kabila nito, maaari raw bumalik ang pangulo sa harapang mga aktibidad matapos ang pitong araw na isolation at matapos humupa ang kanyang mga sintomas.

Dahil dito, hindi makakasama si Marcos Jr. sa  US Embassy sa Maynila sa pagdiriwang ng ika-246 anibersaryo ng kanilang kalayaan. Sa kabila nito, makadadalo naman siya virtually upang maghatid ng mensahe sa pulong ng leagues of mayors at governors.

"The president encourages the public to get their vaccine series and boosters," banggit pa ni Angeles.

Matatandaang dati nang tinamaan ng nakamamatay na COVID-19 si Marcos Jr. noong Marso 2020.

Kasalukuyang nasa 3.71 milyon na ang nahahawaan ng naturang virus simula nang makapasok ito sa bansa noong 2022. Sa bilang na 'yan, pumanaw na ang 60,625.

Show comments