2 bagyo nagbabantang pumasok sa Pinas
MANILA, Philippines — Dalawang bagyo ang inaasahang papasok sa bansa sa mga susunod na araw.
Ayon kay Pagasa Administrator Undersecretary Vicente Malano, inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang dalawang bagyo pagkatapos ng susunod na tatlong araw.
Ayon kay Malano, ang characteristics ng dalawang paparating na bagyo ay kamukha ng nakaraang dalawang bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na bagyong Caloy at Domeng.
Si Domeng ay papuntang Norte habang si Caloy ay nanggaling sa West Philippine Sea at pumunta ng China area.
Sa ngayon, sinabi ni Malano na ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang magdudulot ng masamang panahon sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
- Latest