Motortrade naglunsad ng food package sharing project

Maagang dumating ang Pasko sa may 41,000 pamilya sa buong bansa dahil bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng grocery packs na naglalaman ng mga basic food item tulad ng bigas, kape, instant noodles at delatang pagkain.
Photo Release

MANILA, Philippines — Namimigay sa paglago, lumalago sa pamimigay!

Naging matagumpay ang negosyo at maraming pang dapat ipagpasalamat ang Motortrade group at ang Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc. (MLALAF). Kaya naman noong Hulyo 2, nagbahagi sila ng kasiyahan sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanilang food package sharing project na binansagang “Sa Motortrade, Alaga Ka Dito - A Day of Sharing, A Day of Joy.”

Maagang dumating ang Pasko sa may 41,000 pamilya sa buong bansa dahil bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng grocery packs na naglalaman ng mga basic food item tulad ng bigas, kape, instant noodles at delatang pagkain.

Hindi mapigilan ang kasiglahan ng mga benepisyaryong pamilya—na ilan ay natutulog nang gutom—habang pinasasalamatan ang mga staff at opisyal ng MLALAF, Motortrade at mga motorcycle riders na nakilahok sa gift-giving activity.

Idinaos nang sabay-sabay sa 357 lunsod at bayan mula Luzon hanggang Visayas ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan sa local na mga opisina ng Department Social Welfare and Development (DSWS).

“Through this initiative, we hope to inspire other corporate entities and NGOs to do their share in spreading malasakit to the communities in need,” sabi ni Celso Namoro, executive vice president for operations ng Motortrade.  “Passing on the goodness could bring a domino effect and would benefit more Filipino families nationwide.”

Love is giving back

Pastor Ferdinand of Marikina Christian Fellowship helps distribute the grocery packs to families.
Photo Release

 “We rely on the people around us for support during good and bad times. As much as this need for connection is ingrained in us, it also goes the other way. This is the essence of giving back to the community — supporting others just as they support you. And for years now, that’s what Motortrade has been doing: showing malasakit (concern) for others. Malasakit is part of the core values of the company,” sabi ni  Namoro.

“Our chairman emeritus, Vicente N. Ongtenco, has always espoused this value even when he was just starting to sell motorcycles in his hardware store in Daet, Camarines Norte,” dagdag pa niya.

Bukod sa pagpapalago ng kanyang negosyo, inaasikaso rin ni Ongtenco kung paano niya matutulungan ang mga kustomer na hindi kayang bumili nang cash ng sarili nilang motorsiklo para sa kabuhayan, 

Idinagdag ni Namoro, “Even if it was risky, our chairman emeritus started financing the units himself. By doing so, he was instrumental in changing the lives of his customers as a lot relied on their motorcycles to make a living and support their growing families.”

Mula noon, naging service trademark na ng Motortrade ang “Alagang Motortrade.” Naging pangunahing aktibidad ito ng kumpanya, kahit pa sa panahon ng pandemya.

Nagbigay ng suporta ang kumpanya sa mga ospital na nangangailangan ng mga medical supplies at equipment noong unang nanalasa ang COVID-19.

“Our team has also extended help to typhoon victims,” sabi pa ni Namoro “The recent initiative we had was the Roof of Hope project for Typhoon Odette victims.”

Nagkaroon din ng tree planting activities sa buong bansa ang Motortrade bilang kontribusyon nito sa pangangalaga at pagpi-preserba ng kalikasan.

Sa environmental awareness sa bagong milenya, mula sa two-stroke motorcycles ay bumaling na sa four-stroke business models para makatulong na mabawasan ang polusyon.  Tumugon sa panawagan ang Motortrade. Nag-alok ito ng mas mainam na alternatibo (four-stroke motorcycles).

Sa panahon ng Semana Santa, nagbigay ng ayuda ang kumpanya sa mga motorcycle riders sa pamamagitan ng pagbibigay ng diskuwento sa presyo ng mga piyesa at serbisyo para maging ligtas sila sa kanilang biyahe.

A man for others

A total of 41,000 grocery packs were distributed to chosen beneficiaries in Luzon and the Visayas.
Photo Release

Hanggang sa edad na 96 anyos, inialay ni Ongtenco ang bawat minuto ng kanyang buhay sa pag-ambag ng anumang makakabuti sa lipunan.

“Society is bound to collapse since here we are enjoying the benefits of the universe and pursuing our own personal happiness but do not give back. We’re just like termites that keep eating away until the house falls apart,” sabi ni Ongtenco sa Filipino sa isang panayam.

Ipinanganak si Ongtenco sa Jinjiang sa lalawigan ng Fujian. Kahit galing sa nakakariwasang pamilya (nagmamay-ari at namamahala ng isang pabrika ang kanyang ama), nakaranas ng hirap ang batang Ongtenco nang sundan niya ang kanyang mga kapatid na lalake na tumakas sa kanilang bayan kasunod ng pagsakop ng mga Hapones sa China para maghanap ng mas magandang kapalaran sa Pilipinas. Dumating siya sa bansa noong Hulyo 4, 1946.

Unti-unting namuhay ang pamilya Ongtenco sa Daet, Camarines Norte. Kasama ng dalawa niyang kapatid, itinayo ni Ongtenco ang Bicol Supply Center, isang auto spare parts at hardware store. At, sabi nga, the rest is history. Ang may-ari ng isang humble hardware store ay itinuturing ngayon na “Godfather of Motorcycle Marketing.”

Sina Ongtenco at ang maybahay niyang si Luisa ay nagkaroon ng walong anak na ngayon’y kasama na sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya.

Sa pagtutulungan ng Motortrade at ng Motortrade LALAF sa buong bansa, idinaos nito ang food package sharing activity para sa mga kapuspalad na mamamayan bilang pagdiriwang sa ika-96 na kaawaran ni Chairman Ongtenco.

“Experiencing life’s difficulties himself, our chairman emeritus provided the food packs to help alleviate their (beneficiaries’) hunger even for a day or two,” pagbabahagi ni MLALAF directress  Shirlyn Ko. “We hope that through this small act of kindness, more families will experience the heart of our chairman in a very personal way.”

Partners for life

Tulak ng hangarin at misyon ng Motortrade na mapaangat ang buhay ng mga kustomer nito sa pamamagitan ng pag-uugnay sa capital at mga pangangailangan.  Ang Motortrade ay itinuring ng mga loyal clients nito na kanilang “partner in life.” Nagagamit kasi nilang panghanapbuhay ang kanilang mga motorsiklo.

“Many of our customers started their individual businesses by getting a motorcycle through Motortrade’s in-house financing back then and using their motorcycles to augment their income, especially during the years when tricycle franchise was still easy to acquire,” balik-tanaw ni Namoro.

Nagiging isa sa pangunahing sistema ng transportasyon sa bansa ang mga motorsiklo kaya, ayon kay Namoro, laging nangunguna ang Motortrade pagdating sa kapakanan ng mga customer at paglago ng industriya ng motorsiklo sa pangkalahatan.

Aktibo rin ang kumpanya para sa kaligtasan sa kalsada sa pamamagitan ng Learn to Ride Safely Program nito na nagtuturo at naghahanda sa mga first-time motorcycle owner at rider sa basics ng kaligtasan sa kalsada at pagsakay sa motorsiklo.

At patuloy pa ang Motortrade sa pagpapalawak at pagsulong.

“Aftersales is also one aspect that we see a lot of potential,” dagdag pa ni Namoro. “Today, Motortrade is proud of its more than 800 stores in Luzon, Visayas and Mindanao.”  - Lai S. Reyes

Show comments