100% face-to-face classes target sa Nobyembre

Sinabi ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magiging 100% na ang attendance ng mga bata sa face-to-face classes.
Philstar.com / Gladys Cruz

MANILA, Philippines — Target ipatupad ng pamahalaan na maka­pagdaos ng full face-to-face classes sa ­Nobyembre.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ito ang plano ni Vice Pres. Sara Duterte, na kalihim din ng Department of Education.

Sinabi ng Pangulo na magiging 100% na ang attendance ng mga bata sa face-to-face classes.

“Inday Sara has announced that we have a plan for full face-to-face by November of this year. September, we will start face-to-face schooling and that face-to-face will end up in early November as already 100 percent attendance ng mga bata,” ani Marcos.

Ayon kay Marcos, may mga bagay na maaari na kaagad gawin at kabilang dito ang full face-to-face classes.

“There are some things immediately accessible we can start doing something about it already…The first thing that is an example of that is Inday Sara’s announcement,” ani Marcos.

Titingnan din ang isyu nang pagbabakuna laban sa COVID-19 bago ­ipatupad ang face-to-face classes sa elementarya at high-school.

Show comments