^

Bansa

PNP naghahanda na sa unang SONA ni Marcos Jr.; pagtitipon 'face-to-face'

Philstar.com
PNP naghahanda na sa unang SONA ni Marcos Jr.; pagtitipon 'face-to-face'
Litrato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (kaliwa) habang pinangungunahan ang panunumpa ni Foreign Affairs Secretary Enrique A. Manalo, ika-1 ng Hulyo, 2022
Released/Office of the President

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagbuo ng security plan para sa gaganaping kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Batasang Pambansa, Quezon City sa Hulyo 25.

Ani PNP director for operations Police Major General Valeriano de Leon sa ulat ng GMA News, siya mismo ang mangangasiwa sa pagsusuri ng mga polisiyang ipatutupad sa naturang okasyon.

"Year-in and year-out, meron tayong preparation sa SONA. [E]very year nire-review ito para magkaroon tayo ng mas magandang preparation," wika niya, Lunes.

"[I]n the First SONA of President [M]arcos Jr., akin [m]ismong tututukan ang pagre-review ng mga ii-implement... ang mga policies nito, ang CMC nito para mai-present natin kay officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao para sa kanyang [c]omment," pagpapatuloy niya.

Dagdag ng opisyal, sinimulan nila nang maaga ang paghahanda para sa unang SONA ng pangulo upang maging matagumpay aniya ito tulad ng nangyari sa halalan at katatapos lang na inagurasyon

"Gagawin nating maaga para ang succes na ating natama sa election, sa inauguration at pati na rin dito sa incoming SONA ni President [M]arcos Jr," pahayag pa niya.

Kaugnay nito, nitong Lunes lang din nang kumpirmahin ni House of Representatives Secretary-General Mark Llandro Mendoza na gaganapin ang unang SONA ni PBBM nang "full face-to-face capacity."

"[W]e’re expecting all 315 members to be present plus the 24 senators to be there. Members of the diplomatic corps, lahat ng invited guest natin sana makadalo," sambit naman ni Mendoza sa mga reporters kanina. 

Aniya, nasa 1,200 katao ang estimated capacity ng plenary hall at gallery ng Batasang Pambansa. Dahil dito, limitado lang aniya ang mga media personnel na maaaring makapasok sa gallery.

Matatandaang hybrid (halong pisikal at birtwal) ginawa ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang SONA noong 2020 at 2021 dahil sa mga paghihigpit na ginawa bunsod ng COVID-19 pandemic. 

Karaniwang itinatalumpati ng pangulo ang kasalukuyang kondisyon ng Pilipinas sa ekonomiya, pulitika atbp. Paraan din ito upang kanyang i-buod ang mga accomplishments at mga plano habang nakaupo sa Malacañang.  — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

BONGBONG MARCOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with