MANILA, Philippines — Hinimok ng isang samahan ng mga abogado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) pagdating sa reklamong "crimes against humanity" sa ilalim ng madugong gera kontra-droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang sinabi ni ICC prosecutor Karim Khan na itutuloy na nila ang full investigation pagdating sa mga naturang patayan at paglabag sa karapatang pantao, ito matapos unang sabihin noon ng Malacañang na hindi sila makikipagtulungan sa probe hangga't nasa pwesto si Duterte.
Related Stories
"If Marcos really intends to continue the 'war on drugs' within the framework of the law and with respect for human rights, he should cooperate more closely with the ICC investigation, and eventually, rejoin the assembly of states parties," wika ng Mga Manananggol Laban sa Extrajudicial Killings (Manlaban sa EJK), Lunes.
"Manlaban thus firmly supports the investigation of the International Criminal Court (ICC) as it will achieve the 'high level of accountability' that Marcos has said he wants in human rights."
Manlaban sa EJK believes that an investigation into the drug-related killings must also include a review of the policy and responsibility of senior political leaders and law enforcement officials, not just of implementation. These incidents are far beyond isolated incidents or... pic.twitter.com/oQjJeepXrD
— Kristina Conti (@chronikrissys) July 4, 2022
Ika-24 ng Hunyo nang sabihin ni National Security Adviser Clarita Carlos, na itinalaga ni Bongbong, na dapat payagan ng bagong administrasyon ang ICC na pumunta ng Pilipinas para imbestigahan ang isyu ng EJKs.
Sa kabila nito, Enero 2022 lang nang sabihin ni Bongbong noong siya'y kumakandidato pa lang na papayagan niya ang ICC team sa Pilipinas, hindi bilang probers, ngunit "bilang mga turista."
Aniya, gumagana naman daw kasi ang judiciary ng Pilipinas para mag-imbestiga sa mga reklamo sa loob ng bansa.
Una nang nagsagawa ng sarili nilang documentation, investigation at prosecution ng drug-related killings ang Manlaban.
Sa kasalukuyan, nasa 20 murder at homicide cases pa lang daw laban sa pulis ang nasa korte — karamihan dito hawak ng lawyer's group.
Malayo ito sa 6,252 na napatay (datos ng gobyerno) sa gera kontra droga. Hindi pa rito kasama ang mga ginawa ng mga diumano'y vigilante groups.
'May sala nakinabang sa impunity ng gobyerno'
Diin pa ng Manlaban, kailangan ang ICC lalo na't meron itong kapasidad at independence na kailangan sa imbestigasyon sa state policy ni Duterte.
"Where crimes commited may have had legal cover in the domestic state, or where perpetrators enjoy impunity, the ICC should step in to take to account all those involved [in] the most heinous crimes against humanity," sabi pa ng Manlaban, na tutulong daw sa pagkalap at pagpapadala ng ebidensya sa ICC.
"We as lawyers are duty bound to render justice. We cannoty let grave rights abuses pass us by without taking the abusers to account, nor can we sit idly by in the midst of attacks on the right to life, liberty, dignity and security of the people. Come rain or shine, old or new president, inside and outside the courtrooms, Manlaban will continue to fight back."
Papel ng ICC na mag-iimbestiga at maglitis ng mga pinakamalalalang krimen na tinututulan ng international community gaya ng "genocide, war crimes, crimes against humanity" at "crime of aggression."
Tanging mga EJK lang mula 2011 hanggang 2019 ang iimbestigahan, lalo na't kumalas ang Pilipinas sa Rome Statue noong 2018.
Una nang sinabi ng human rights groups at preliminary investigation ni dating ICC Prosecutor Fatou Bensouda na maaaring mas mataas pa sa bilang na 12,000 hanggang 30,000 ang totoong drug-related EJKs, habang hindi raw nabibigyan ng due process ang mga suspek. Lagpas na 'yan sa maximum seating capacity ng Smart Araneta Coliseum (20,000). Higit na mas mababa ang opisyal na tala ng pamahalaan dito.
Si Marcos Jr. ay kilalang running mate ni Bise Presidente Sara Duterte, na siyang anak ni Digong.