Pamilya Marcos titira sa Bahay Pangarap

President Ferdinand Marcos Jr. and his family arrive at the Malacañang Palace after taking his oath on Thursday, June 30, 2022.
THE STAR/ Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Hindi titira sa Palasyo ng Malacañang ang pamilya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa halip ay titira sila sa Bahay Pangarap.

Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, ipapaayos muna ang Bahay Pangarap bago lipatan ng Unang Pamilya.

Ang Bahay Pangarap ay isang rest house na matatagpuan sa tapat ng Ilog Pasig sa loob ng 19-ektaryang Malacañang Park.

Si dating First Lady Evangeline Macapagal, ang ikalawang asawa ni dating Pangulong Diosdado Macapagal, ang nagbigay ng pangalan sa rest house noong early 1960s.

Ginawang Bahay Pagbabago ang tawag sa rest house noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi naman tiyak kung muling papalitan ang tawag sa Bahay Pangarap.

Sa nasabing rest house din tumira ang yumaong Pangulong Benigno Aquino III.

Si Aquino ang unang presidente na ginawang official residence ang Bahay Pangarap dahil masyado aniyang malaki ang Palasyo ng Malacañang para sa katulad niyang bachelor.

Show comments