‘57 years apart:’ BBM, Marcos Sr. parehong Bible ginamit sa inauguration
MANILA, Philippines — Sa tulong ng National Library of the Philippines (NLP), nagamit ni newly sworn-in President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Bibliya sa kanyang inauguration ceremony kahapon na siyang ginamit din ng kanyang ama na si Ferdinand Marcos Sr., noong 1965.
Sa Facebook ng NLP nitong Huwebes, makikita ang "repair and reconditioning" process na ginawa sa Bibliya para sa oath-taking ni PBBM sa National Museum, Manila.
"The Filipiniana Division of NLP managed the cleaning and repair process of the same Bible used by his father, former President Ferdinand E. Marcos, who took his oath on two Bibles on 30 December 1965," caption ng NPL sa kanilang paskil kung saan makikita ang maingat nilang paglilinis at pag-aayos sa naturang Bibliya.
Nito lamang Huwebes, Hunyo 30, nang opisyal na magsimula ang administrasyon ni PBBM matapos manumpa bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas na siyang pinangasiwaan ni Supreme Chief Justice Alexander Gesmundo. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles
- Latest