^

Bansa

Cayetano isusumite 'P10K Ayuda Bill' sa Senado, bumuwelta sa bashers

Philstar.com
Cayetano isusumite 'P10K Ayuda Bill' sa Senado, bumuwelta sa bashers
Returning senator Alan Peter Cayetano
The STAR/ File photo

MANILA, Philippines — Sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano kahapon na agad niyang ihahain ang "10k Ayuda Bill" kasama ang iba niyang mga priority bills matapos nitong maging laman ng memes sa social media.

Pinatamaan din ng former House Speaker ang mga bumabatikos sa kanya online na tumulong na lamang sa halip na tuligsain ito.

“Sa mga nagba-bash sa P10,000 Ayuda Program, kung kaya ko lang sila bigyan ng tisa-sampung libo, binigay ko na sa kanila, ‘di ba?... Sa mga nagtutuligsa sa programa during the pandemic, tumulong na lang kayo” sinabi ni Cayetano sa kanyang speech sa oath-taking ng mga Taguig City Officials.

Nakiusap rin ang senador sa mga kinatawan ng Taguig City, Taguig-Pateros Rep. Ricardo "Ading" Cruz at Taguig 2nd District Rep. Maria Amparo Zamora na maghain din ng katulad na bill sa Kongreso.

Sinabi rin ni Cayetano na ang bill ay isa pa lamang "legislative proposal" at kinakailangang aksyunan sa Senado, House of Representatives, at Malacañang.

Ang inihain ni Cayetano na House Bill 8597 noong Pebrero 1, 2021 ay naglalayong bigyan ng financial aid ang bawat Pilipinong pamilya na aabot sa P10,000 o P1,500 kada miyembro ng pamilya, kung alin man ang mas malaki.

Ang ipamimigay na ayuda ay inaasahang makakatulong sa mga pamilya upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Nanalo si Cayetano bilang senador sa eleksyon noong May 9 matapos niyang manilbihan bilang Taguig-Pateros Representative mula 2019. — Philstar.com intern Jomarc Corpuz

ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with