Imee, agaw-pansin ang Filipiniana gown
MANILA, Philippines — Agaw-pansin ang suot ni Sen. Imee Marcos sa inauguration ceremony ng kanyang kapatid na si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Suot ng senadora ang isang kulay asul na Filipiniana gown na pinalamutian ng mga accessories.
Sa official Instagram ni Sen. Imee, sinabi nito na ang kanyang accessories ay restored lockets, chains at pendants na regalo sa kanya ng yumaong ama at dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Habang ang kanyang gown ay dinisenyo mismo ng senadora at ginawa ni Rem Divino.
Ang face mask naman ni Imee ay mayroon din gold na disenyo na tumerno sa kanyang gown.
Nabatid naman na ang suot ni Pangulong Marcos ay rayadillo-inspired Barong Tagalog na dinisenyo ng multi-awarded designer na si Pepito Albert para sa kanyang inauguration.
- Latest