^

Bansa

Pagsasabatas ng RA 11861, tagumpay ng 11 milyong solo parents

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tagumpay ng halos 11 milyong solo parents sa buong bansa ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act.

Ito ang sinabi ni Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred Delos Santos at ikinatuwa ang pagsasabatas nito dahil ramdam umano niya ang hirap ng isang magulang na mag-isang kumakayaod at kumakalinga sa kanyang pamilya dahil ang  kanyang ina ay solo parent na itinaguyod sila na limang magkakapatid.

Ayon kay Delos Santos, ang nasabing batas ay alay nila sa milyun-milyong solo parents na mga kababayan at malalim ang respeto niya sa mga ito.

Base sa pag-aaral ng University of the Philippines Manila sa tulong ng World Health Organization (WHO), itinataya na nasa 14 to 15 milyong Pilipino ang “solo parents.”

Kaya sa ilalim ng  Expanded Solo Parents Act, sa halip na isang taon, anim na buwan na lang ang hihintayin para kilalanin na isang “solo parent.”

Kabilang dito ang asawa o miyembro ng pamilya na isang OFW na nasa low/semi-skilled category at wala sa Pilipinas ng isang taong tuluy-tuloy.

Inamiyendahan ang batas na ito para isama bilang “solo parent” ang mga lolo at lola, miyembro ng pamilya at kahit na hindi kamag-anak na kinikilalang tagapag-alaga, at may solong responsibilidad sa bata.

Kabilang sa mga benepisyo na matatanggap ng mga solo parent ay ang P1,000 tulong pinansiyal kada buwan sa mga minimum wage earners at mabibigyan di sila ng Solo parent Identification Card (SPIC)/Booklet na maaari nilang gamitin para magka-diskwento sa binibiling gatas, diaper, at gamot para sa mga bata na hanggang anim na taong gulang at dagdag na pitong araw na leave maliban pa sa mandatory employment leave benefits.

vuukle comment

EXPANDED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with