'Thank you for the ride, Sir': Pacquiao, ibang miyembro ng Senado nagpasalamat kay Duterte

Outgoing Philippine President Rodrigo Duterte holds a single rose flower after laying a wreath at the Rizal Monument during the country's 124th Independence Day at Rizal Park, Manila on June 12, 2022.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pasasalamat at pagbati sa social media ang ilang miyembro ng Senado para sa termino ni outgoing President Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Sen. Manny Pacquiao na nanatiling matatag si Duterte sa harap ng maraming problema.

“Thank you, President Rodrigo Roa Duterte, for serving our country…. You remained steadfast as you complete your term as Chief Executive of the Philippines, and we congratulate you for that.”

Nagpaabot naman ng pagbati si Former Senate President Aquilino “Koko” Pimentel para sa termino ng pangulo.

“Congratulations to President Duterte. Maraming salamat sa sakripisyo and I wish good health after his tenure as president”

Sa isang mahabang post sa Facebook, sinabi ni Sen. Bong Go na malaki ang kanyang pagbabago matapos ang anim na taon na paninilbihan kay Duterte.

“All those years of walking behind a firm leader and a compassionate public servant like President Duterte have ingrained in me the values of hard work, dedication, and sincerity in serving the Filipino people. It is no exaggeration to say that I was molded into the person I am now, largely because of PRRD.”

Sa pasasalamat naman ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, sinabi niya na si Duterte daw ang greatest of all time na pangulo.

“Thank you sir our GOAT President for sharing with us your last night in office. You will be remembered as the most impactful President on the lives of every Filipino. Thank you for the ride sir! What a journey it has been.”

Pinasalamatan din ni Joel Villanueva parehong sina President Duterte at Vice President Leni Robredo sa kanyang pahayag.

“Hindi po matatawaran ang kanilang mga sakripisyo at matinding pagmamahal sa ating Bayan. The nation thanks both of you for your service. God bless you more.”

Hindi din nagpahuli ang mga netizens at taga suporta ni Duterte sa pagbibigay ng pagbati at papuri sa outgoing president. 

Sina Pimentel, Go, Dela Rosa, at Villanueva ay babalik sa Senado bilang mga miyembro ng 19th Congress.

Magwawakas ang termino ni Pacquiao ngayong araw matapos nitong mabigo sa pagtakbo bilang pangulo.

Si Duterte ay bababa sa puwesto mamaya matapos ang inauguration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. — Philstar.com intern Jomarc Corpuz

Show comments