^

Bansa

Marcos Jr. nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas

James Relativo - Philstar.com
Marcos Jr. nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas
Makikita sa video ang panunumpa ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bilang pinakamataas na opisyal ng Republika ng Pilipinas
Video grab mula sa Facebook page ng RTVM

MANILA, Philippines (Updated 2:29 p.m.) — Magsisimula na ang termino ni Ferdinand Marcos Jr. bilang susunod na pangulo ng Pilipinas matapos ang matagumpay na inagurasyon sa National Museum of Fine Arts sa Maynila, Huwebes.

Tanda ito ng anim na taong panunungkulan ni "Bongbong," matapos i-administer ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang kanyang panunumpa sa tungkulin sa makasaysayang gusali.

 

"You will not be dissappointed, so do not be afraid," wika ni Bongbong sa harap ng mga tagasuporta niya kanina.

"With every diffucult decision that I must make, I will give foremost in my heart and in my mind the depth of gratitude I owe you for the honor and responsibility that you have confered on me."

Tinatayang nasa 30,000 ang inaasahang magtutungo sa panunumpa ni Marcos Jr., ayon sa Philippine National Police. Mahigit 18,000 pulis, sundalo, coast guard atbp. ang itinalaga sa lugar para siguruhin ang seguridad.

Ia-administer din dito ni Marcos ang mass oath-taking ng kanyang magiging Gabinete, pati na ang mga local government unit officials ng Ilocos Norte at Ilocos Sur.

"You will not be dissappointed, so do not be afraid," wika ni Bongbong sa harap ng mga tagasuporta niya kanina.

"With every diffucult decision that I must make, I will give foremost in my heart and in my mind the depth of gratitude I owe you for the honor and responsibility that you have confered on me."

Si Bongbong ang ikalawang Marcos na nanumpa bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas matapos ang kanyang amang si Ferdinand Marcos Sr., na siyang nagpatakbo ng diktadura mula 1972 hanggang 1981 buhat ng pagdedeklara ng Batas Militar.

Matatandaang sa parehong venue, na kilala rin sa tawag na Old Legislative Building, ginanap ang inauguration nina dating Pangulong Manuel Quezon (1935), dating Pangulong Jose P. Laurel (1943) at dating Pangulong Manuel Roxas (1946).

Mga protesta inilipat sa Plaza Miranda

Mula sa orihinal na venue sa Liwasang Bonifacio, inilipat naman ng mga militanteng grupo gaya ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang kanilang mga kilos-protesta sa Plaza Miranda.

Ayon kay BAYAN secretary-general Renato Reyes Jr., ito'y para na rin sa mapayapang pagdaraos ng kanilang demonstrasyon laban sa papasok na administrasyon at para na hindi maiwasan ang mga insidente sa mga taga-suporta ni Marcos Jr. Aniya, ni-request din ito sa kanila ng PNP.

"The venue holds historic significance in the anti-dictatorship struggle and is also a designated freedom park. The protest will be a counter-point to the Marcos inauguration," ani Reyes kanina.

"It will highlight our continuing fight against historical revisionism and for the people’s demands."

Agosto 1971 nang bombahin ang Plaza Miranda na siyang ikinamatay ng siyam at ikinasugat ng 95 pa habang nasa gitna ng political rally ng Liberal Party.

Matatandaang ibinaba ni Marcos Sr. ang Proclamation 889, na siyang nagbigay sa kanya ng emergency powers gaya ng suspensyon ng "habeas corpus."

Isa ito sa mga kaganapan bago magdeklara ng Martial Law ang tatay ni Bongbong, na siyang nagdulot ng pagkakakulong ng 70,000, pagkaka-torture ng 34,000 at pagkamatay ng 3,200 katao, ayon sa Amnesty International.

Ayon naman kay Ka Leody de Guzman, chairperson ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, ang pag-upo ni Marcos Jr. sa Malacañang ay pagpapatuloy lang ng "ilang daang taong paghahari ng mga elitistang burukrata't bilyonaryo sa bansa."

"Sa pagharap sa darating na anim na taon, tahasan kong idinedeklara na tuloy ang laban para ipagtanggol ang mga demokratikong karapatan ng manggagawa’t mamamayan," ani De Guzman, na nakalaban ni Marcos Jr. nitong 2022 elections.

"Tuloy ang pagigiit sa mga kahilingang aking ibinandera noong kampanyahan (national wage, abolisyon sa kontraktwalisyon, wealth tax, pagbasura sa rice tariffication, paglaban sa pribatisasyon sa mga essential services, atbp., atbp.)."

BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with