^

Bansa

Libel, cyberlibel vs media orgs, inatras ni Cusi

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniurong ni outgoing Energy Secretary Alfonso Cusi nitong Biyernes ang mga reklamong libel at cyberlibel laban sa ­ilang media organizations kaugnay sa naiulat na istorya ng Malampaya deal.

Ayon kay Cusi, gusto na niyang mag- “move forward” sa nangyari at binanggit ang mahalagang pagkakaibigan sa mga respondent na nais niyang mapanatili.

Inihain ni Cusi nitong Hunyo 24, 2022 ang affidavit of desistance sa Taguig City’s Prosecutor Office sa magkahiwalay na reklamong libel at cyberlibel laban sa ABS-CBN, GMA News Media, Philstar Global Corporation, Rappler, Manila Bulletin, Philippine Business Daily Mirror Publishing, Inc., at BusinessWorld Publishing.

 “Despite the hurt feelings and damage done to my name, a deeper reflection on what has transpired has led to the realization that the many interactions with the respondents have undeniably resulted in the forging of valued friendships and professional relationships,” pahayag ni Cusi.

Nauna nang sinabi ni Cusi na ang mga kwento ng deal sa Malampaya ng mga news organization, na nag-quote ng graft complaint laban sa kanya, ay nakasira sa kanyang reputasyon at magandang katayuan sa gobyerno.

Humingi siya ng P200 milyon na danyos mula sa ABS-CBN Corp, CEO ng kumpanya na si Carlo Katigbak at ABS-CBN News Digital chief Executive Editor Lynda Jumilla dahil sa nasabing istorya.

Nag-ugat ang nasabing kuwento sa inihaing graft complaint sa Office of the Ombudsman laban kay Cusi ng bilyonaryong si Dennis Uy at iba pa hinggil sa pagbebenta ng Chevron stake sa Malampaya project sa Davao-based na Udenna Corp. na ayon sa mga complainant na maanomalya at nagresulta sa pagkalugi ng gobyerno ng P21 hanggang P42 bilyon.

ALFONSO CUSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with