^

Bansa

Gatchalian pinaghahanda mga eskwela, LGUs ilarga 'booster shots' ng mga menor

Philstar.com
Gatchalian pinaghahanda mga eskwela, LGUs ilarga 'booster shots' ng mga menor
Sen. Sherwin Gatchalian speaks to the members of the media during a press briefing on Wednesday, June 22, 2022.
The STAR/ Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang mga local government units at paaralang maghanda para sa paglulunsad ng COVID-19 vaccine booster vaccination ng mga batang edad 12 hanggang 17.

Inilabas ni Gatchalian, chair ng Senate Basic Education Committee, ang pahayag matapos bigyang pahintulot ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng Pfizer-BioNTech Covid-19 vaccines bilang booster para sa naturang age group.

“Mahalagang gawin natin ang lahat ng hakbang upang matiyak natin ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik sa face-to-face classes”, ani Sen. Gatchalian, Biyernes.

Nangyayari ito ngayong nagpi-peak na uli ang COVID-19 cases sa Pilipinas habang tinatarget ng Department of Education ang pababalik ng full face-to-face classes sa Agosto.
 
Dagdag pa ni Sen. Gatchalian na ang pagbibigay ng booster shot sa mga menor de edad ay magbibigay sa kanila ng karagdagang proteksyon habang pinaplano ng DepEd ang 100% harapang mga klase.

Huwebes lang nang sabihin ng DOH na posibleng umakyat uli sa 2,000 araw-araw ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila kung hindi magpapaturok ng bakuna at booster, at bababa ang sumusunod sa health protocols sa punong rehiyon.

Tanging mga frontline healthcare workers, 60-anyos pataas at immunocompromised individuals pa lang ang binibigyan ng second booster shots sa ngayon. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

BOOSTER

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with