^

Bansa

Ex-PAL president Bautista, next DOTr chief

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Ex-PAL president Bautista, next DOTr chief
PAL president and chief operating officer Jaime Bautista.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hinirang ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Philippine Airlines (PAL) president at chief opera­ting officer na si Jaime Bautista bilang susunod na Transportation Secretary.

Nagretiro si Bautista bilang pinakamataas na opisyal ng flag carrier noong 2019, at papalitan niya si incumbent Transport Secretary Arthur Tugade.

Ang pagpili kay Bautista ay kinumpirma kahapon ni incoming Exe­cutive Secretary Vic Rodriguez.

Tinanggap ni Bautista ang posisyon matapos personal na makipagkita kay Marcos sa kanyang tanggapan sa Mandaluyong.

Naging presidente ng Philippine Airlines si Bautista  mula 2004 hanggang 2012. Bumalik siya upang pamunuan muli ang airline noong 2014 hanggang sa kanyang pagreretiro noong 2019.

Aminado si Bautista na mas malaki ang kanyang responsibilidad bilang pinuno ng DOTr kaysa sa kanyang naging responsibilidad bilang pangulo ng PAL.

Pero naniniwala rin si Bautista na kuwalipikado siya sa posisyon dahil sa kanyang karanasan sa mga operasyon sa paliparan at eroplano at magagamit niya ito bilang susunod na Kalihim ng Transportasyon sa Hulyo.

PAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with