^

Bansa

Bagong ospital para sa bagong Maynila

Pilipino Star Ngayon
Bagong ospital para sa bagong Maynila
Ang Bagong Ospital ng Maynila ay mayroong 10-story fully-airconditioned, anim na operating rooms, 11 beds for pre/post operation, 12 beds para sa neonatal intensive care unit, 25 beds sa intensive care units, 19 private rooms, 52 ward rooms, isang kuwarto para sa bawat MRI at CT Scan, dalawang service elevators at escalators, apat na bed elevators at helipad.
Photo by KR De Asis

MANILA, Philippines — Ngayon Biyernes ay ipinagdiriwang ang ika 451st Foundation Day ng Lungsod Maynila na naitatag noong taong 1571.

Ito ay pinapangunahan ni outgoing Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na mismong lumaki sa squater area sa Tondo, kung kaya sa simula pa ng kanyang termino ay iniisip na niya ang kapakanan ng mga taga-Maynila. 

Palibhasa nga ay “batang Manilenyo” si Mayor Isko na batid niya ang hirap na pinagdaraanan ng kanyang mga ka-barangay sa Lungsod ng Maynila.

“No one deserves to be deprived of their basic needs,” ito ang mga katagang nakaukit sa puso ng butihing mayor noon pa man. 

Pinapangunahan ni outgoing Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang ika 451st Foundation Day ng Lungsod Maynila.
Photo by KR De Asis

Bilang local chief executive, personal nitong nadama ang hinagpis ng bawat taga-Maynila mula sa mga musmos na bata at bawat miyembro ng pamilyang Manilenyo mula sa diskriminasyon ng lipunan. Lalo na sa pagdating sa usaping medical sa kalunus-lunos na kalagayan ng mga mahihirap kumpara sa mga nakaaangat sa buhay. 

Ang abang kalagayan ng mga mahihirap ang nag-udyok at kumukurot sa puso ni Mayor Isko. Hindi niya matiis na makita ang nakakaawang sitwasyon ng mga Manilenyong kapos sa atensyong medikal. Kaya naman, tinupad ng mayor ang kanyang pangarap para sa Manilenyo sa paggawa ng bagong konstraksyon sa Bagong Ospital ng Maynila.

“Lahat ng buhay ay mahalaga. Mahirap, middle class, mayaman, at lahat ay pantay-pantay,” katuwiran ng butihing Mayor Isko dahil sa lahat ng kanyang mga programa at mga polisiya ay kailangang maibigay ang patas na karapatan ng mga Manilenyo.

Bilang local chief executive, personal na nadama ni Mayor Isko ang hinagpis ng bawat taga-Maynila mula pagkabata.
Photo by KR De Asis

Ang konsepto ng Bagong Ospital ng Maynila ay nagsimula sa kampanya ni Mayor Isko noong  2019. Dalawang linggo pa lang ng kanyang panunungkulan ay sinimulan na agad ang pagpapatayo ng Bagong Ospital ng Maynila.

Ito ay bahagi ng sampung taong imprastrakturang plano upang matugunan ang pangangailan ng publiko sa pamamgitan ng nasabing ospital. Noong June 24, 2020 na kasagsagan din ng pandemya ay pinangunahan na ni Mayor Isko ang seremonya ng groundbreaking para sa Ospital ng Maynila sa kanto ng Quirino Avenue.

Kasama rin sa adhikaing ito ay si incoming Manila Mayor Doktora Honey Lacuna-Pangan upang mabigyan ng importasya ang healthcare facilities kahit sa gitna ng COVID 1- pandemic. Hindi naman naging hadlang ang construction ng ospital sa mga medikal na serbisyon na sa halip ay naging high tech pa ang mga facilities. 

Ang konsepto ng Bagong Ospital ng Maynila ay nagsimula sa kampanya ni Mayor Isko noong  2019.
Photo by KR De Asis

Ang pagpapagawa ng Bagong Ospital ng Maynila ay nasa istriktong direktiba ni City Engineer Armand Andres upang mabusising matiyak ang quality ng bagong facility na mayroong mataas na standard.

Ang Bagong Ospital ng Maynila ay mayroong 10 palapag na fully-airconditioned, anim na operating rooms, 11 beds for pre/post operation, 12 beds para sa  neonatal intensive care unit, 25 beds sa intensive care units, 19 private rooms, 52 ward rooms, at isang kuwarto para sa bawat MRI at CT Scan. Ito rin ay magkakaroon ng dalawang service elevators at escalators, apat na bed elevators at isang helipad.

Binigyang importansyta ni Mayor Domagoso ang pagkakaroon ng helipad para sa emergency cases mula sa labas ng Manila o vice-versa, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaring umasa lamang sa mga ambulance sa mga hindi inaasahang pagkakataon.

OSPITAL NG MAYNILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with