^

Bansa

RITM kaya nang matukoy ang ‘monkeypox’ virus

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May kakayahan na ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na makatukoy ng kaso ng monkeypox na kumalat na sa iba’t ibang bansa sa mundo.

Ayon sa RITM, pinakalakas nila ang kanilang ‘real-time PCR (polymerase chain reaction) assay’ para makatukoy ng monkeypox virus at maging ang kanilang ikalawang ‘PCR assay’.

Tanging mga suspect cases at ang mga sumusunod sa ‘procedures for referral’ ang mapo-proseso nila ng RITM, base sa isang memorandum ng Department of Health (DOH).

Sinabi pa ng RITM na nag-oorganisa na ang DOH ng pagsasanay para sa paghawak, pamamahala, at transportasyon ng mga samples ng mga ‘skin lesions’ na magsisilbing bagay sa lahat ng disease reporting units, epidemiology at surveillance units.

Una nang sinabi ng DOH na handa ang Pilipinas sakaling makapasok ang monkeypox sa bansa at tini­tingnan ang pagbili ng bakuna at antivirals laban sa sakit.

Ang virus ay naililipat sa pamamagitan ng hindi protektadong kontak sa pamamagitan ng ‘respiratory droplets’ at may ‘incubation period’ mula lima hanggang 21 araw, ayon kay Dr. Marissa Alejandria, miyembro ng DOH-technical advisory group on infectious diseases.

Kabilang sa mga sintomas nito ay ang lagnat, paglaki ng lymph nodes, sakit ng ulo, panginginig, sore throat, malaise at pagkapagod.

RITM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with